Chapter 38

313 17 0
                                    

"Bry! Mornin' !" nakangiting sabi ni Drew nang makalapit siya sa tabi ko

"Mornin'!! Ang saya natin ngayon a? " nakangising sagot ko

"Nakita kase kita ngayong umaga agad " parang tangang sabi niya lol

"Ako rin .." matamis na ngiting sagot ko

"Talaga? Your happy to see me too this morning? "

"Yeah, sira agad ang araw ko e "

"Ay potek! "

Hindi ko na napigilan matawa nang makita ang reaksyon nang mukha niya.

"Akala ko naman sasagutin mo na ako " sabi niya

Nagkatinginan kami at napatitig sa isa't isa hanggang sa sabay kaming natawa. Siguro kung may makakakita saamin ngayon, iisipin nilang mukha kaming mga tangang tumatawa

"Ang hardcore mo rin talaga e bute nalang talaga immune na ako sa pain " natatawang sabi niya

"Good for you kung ganon! " natatawang sagot ko

Nag chismisan lang kami habang naglalakad papasok nang building ng Senior high. Bilib talaga ako minsan sa mga lalaki dahil mas chismoso pa pala sila. Haha

"Alam mo na ba yong issue ngayon sa Stem-1 Bry?"

"Anong issue? " interesadong tanong ko

Syempre, chismiss na yan e dapat palagi tayong updated.

"They said that their top one in their class is pregnant "

"Di nga? Si Mari? Yong sobrang mahinhin na magandang babae? " gulat na sabi ko

"Tsk, oo nga, hindi nga ako makapaniwala"

"San mo naman nakuha ang chismis na yan? "

"Sino pa ba? Edi kay kumpareng Joseph! Malakas kase signal nang isang yon " natatawang sagot niya

Hindi ko na napigilan ay agad ko siyang nabatukan.

"Aray! Para saan yon Bry!" reklamo niya

"Ang chismoso mo! Jusko Drew! " natatawang sagot ko

"Hahahaha tsk!"

Sa katatawa namin hindi tuloy namin namalayan na nasa fourth floor na kami kung nasaan ang classroom namin.

"Oh? Tapos anong nangyare?" natatawang sagot ko

"Edi syempre nagpanggap nalang kaming mag jowa ni Joseph! Bwesit na pangyayare!"

"Baka naman sa huli ha kayo pala tong magkakatul---

"Brylee Aloisia ..."

Mabilis akong napatigil nang marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.

At nang saktong pag-lingon ko sa harap ay mabilis na nagkasalubong ang mga mata namin ... ni Eros

Anong ginagawa niya dito?

Naputol lang ang pagtitinginan namin nang bumaling siya kay Drew na nasa tabi ko.

"Una na ako sa classroom Bry .. " paalam ni Drew

Kaya naman pilit nalang akong ngumiti sakaniya bilang sagot.

That Pretty Boy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon