"Ano ba Bry! Titigil ka ba sa kagagalaw diyan o iiwan nalang kita dito?!" inis na sabi niya
"Huwag mo nga akong tawagin sa nickname ko dahil hindi naman tayo close!" sarcastic na sagot ko
"Anong tawag mo dito sa pag-buhat ko sayo kung ganon? Open ha?" mas sarcastic na boses niyang sagot
Napairap nalang ako at hindi ko na yata mabilang kung ilang irap na ang ginawa ko sa mga nakalipas na oras na kasama ko ang isang to'
Wala rin naman akong pakialam kung kanina pa kami nagbabarahan dito habang naglalakad ito na buhat niya ako sa likod niya. Hindi ko alam pero inis na inis ako ngayon! Isama mo pa na hindi sana mangyayare to' kung hindi sa kagagawan rin naman ng mga kasama niyang Officers.
"Hindi na sana nangyare to' kung hindi sa mga lintek mong mga Officers." hindi ko na napigilang sambit
"Kaya nga ako na yong nag-sorry para sakanila at tsaka tinutulungan pa nga kita diba?"
"And you think your sorry is enough para mawala tong' sakit nang paa ko ngayon?"
"I already told you, kakausapin ko sila mamaya" malumanay niyang sagot
Hindi na ako nag-salita dahil kahit kausapin niya pa ang mga yon o di kaya ay humingi nang tawad ang mga yon hindi parin non mababago kung anong nangyare sakin ngayon. Ano nalang ang sasabihin ko sa bahay? Dahil siguradong ako na naman ang kawawa. Nakakainis, bat ba nangyare pa to?
Napaka-isip bata nang mga lintek!
Hindi ko rin maiwasan manibago ngayon dahil sa ganitong sitwasyon pa talaga to' nangyare na kasama ko ang bading na to' at nagugulat parin ako na iba't ibang side yata ng isang to' ang nakita ko ngayong araw na to'
Ang una yong side niyang sobrang lamig at sobrang sarcastic na unang beses kong makita kanina nang maka-ahon kami sa falls, hindi ko rin maintindihan kung bakit napaatras ako nang makita siyang ganon. Delikado masyado ...
At yong ngayon, ang kalmadong side niya, ang pasensiya niyang mahaba na isang pitik na nalang ay mauubos na at ang huli syempre ang naiinis niyang itsura.
Hindi ko rin maintindihan yong sarili ko ngayon dahil hindi naman ako yong tipo nang tao na madaldal lalo na kung hindi ko naman close yong tao pero nang makasama ko ang bading na to' sa oras na ito ay parang ang dali sakin ipakita sakaniya yong totoong ako.
Kahit rin naman ako nagugulat dahil sobrang komportable ako sakaniya. O baka pakiramdam ko lang yon? Hindi ko alam, kusa kong nararamdaman ang mga yon.
Ilang sandali lang rin ay wala nang nagsalita samin pero ilang minuto lang ay bigla siyang nagsalita.
"Why didn't you even ask me that day?"
Huh? Anong sinasabi nito?
"What?" takang tanong ko
Napansin ko pa ang pagbuntong-hininga nito na akala mo ang laki ng problema niya.
"Noong nahimatay ako, kasama kita noon diba?"
Ngayon tinanong niya ako, ngayon lang ulit dumalaw yon sa isipan ko na hindi ko rin ine-expect na siya mismo ang mag-oopen up non'
"We're not close ..so .. "
"So, that's your reason why didn't you bother to even ask me?" sarcastic na sagot niya
"Yes, at mukha namang ayos ka ng makita kita matapos ang araw na yon noong pumasok ka."
"Yeah right.."
BINABASA MO ANG
That Pretty Boy (COMPLETED)
Teen FictionMeet Brylee Aloisia Fern, the girl who is always on fire, a girl who is difficult to deal with because of her witty and sarcastic personality. You are permitted to approach her but not to touch her. She is a fierce young lady with a tender heart, es...