Chapter 28

384 21 0
                                    

"Hoy! Anong nangyare sayo? Lunch na te baka gusto mong ngumiti diyan?" natatawang sabi ni Pixie habang kumakain kami dito sa canteen

Hindi ko rin alam pero wala ako mood ko ngayon! Naiinis ako sa hindi ko malaman na dahilan! Lunes na lunes pa naman. Badtrip

"Wala lang ako sa mood" walang ganang sagot ko

"Weh? Baka naman nagseselos ka diyan girl"

Kunot-noo ko naman siyang tinignan. Anong pinagsasabi nang isang to? Tsk

"Anong nagseselos ang pinagsasabi mo?"

"Deny pa! Baka may kasamang babae kanina yong bading mo? " taas-kilay na sagot niya

Pagkatapos ko siyang makita at makausap o usap ba yon dahil sa pagkakairita ko. Kaninang umaga pa lang ay ramdam kong wala na ako sa mood. It's girl thing kaya siguro ganoon.

Hindi ko nga lang alam kung bakit mas lalo akong nairita at wala na sa mood nang makita ko si Eros na kasama si Bea Alcantara, ang napili bilang represenatative ng Grade 11.

Yes, hindi ako ang napili pero not a big deal for me dahil hindi rin naman ako interesado at wala akong pakialam!

Nakakatawa nga dahil masyado naman silang malapit sa isa't isa na akala mo sobrang close nila dahil may pahawak pa sa braso ang dalawa! Bwst na bading. Hindi ko alam kung selos ba to o talagang naiirita lang ako dahil sa buwan na to!

Tsk! Relax Bry!!!! Please!!

"Nagselos ka 'no? " natatawang sabi ni Pixie

Umirap nalang ako at hindi na sumagot nang sunod-sunod itong tumawa. Huli pero di kulong.

"Whatever Pixie!" inis kong sagot

"I can't believe you Bry! Hindi ako makapaniwalang nagseselos ka? Really?"

"So what? Anong masama don? Tsk "

"O m g! Nakakaloka ka girl! " hindi makapaniwalang sabi niya

Sasagot na sana ako nang biglang may umupo sa tabi ko at kahit hindi ako lumingon ay sa amoy palang niya ay kilala ko na.

Anong ginagawa niya dito? Tss

"What are you doing here?" iritang tanong ko

Ramdam ko ang pagbaling niya sakin pero hindi ko na siya binalingan dahil unti-unti na naman akong naiinis.

"Bakit ang sungit mo? Kaninang umaga pa ah?"

"Ano ngayon?"

Napatingin naman ako kay Pixie nang bigla itong tumayo at mabilis na nagpaalam at bago pa ako makapagreact ay mabilis siyang tumayo at agad na umalis.

"C.R lang ako Bry"

Wala na akong nagawa at wala rin akong ganang kausapin ang katabi ko ngayon.

"Hey, are you mad?" mahinahon na tanong niya

"Hindi" sagot ko nang hindi pa rin siya binabalingan

"Then, why can't you look at me then?"

"At paano mo naman nasabi?" iritang sagot ko

Pagkatapos ay bumaling na ako sakaniya, hindi ko kayang pekein ang totoong nararamdam ko lalo na dahil ang sakit nang likod at puson ko! Pakiramdam ko ay mas lalo pa yata akong nairita nang makita ko ang mukha niyang kalmado.

That Pretty Boy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon