Chapter 31

380 24 0
                                    

"Bry! Si Eros nasa labas, hinahanap ka."

Napatigil kami sa pag-usap ni Pixie at mabilis na nagkatinginan. Napailing nalang ako nang makitang ngisi-ngising nakatingin ang ibang kaklase ko.

"Sige na, labas na yong bading mo don baka pag-pyestahan sa labas" natatawang pang-aasar ni Pixie

"Gagi, sige wait lang " natatawang sagot ko at mabilis na tumayo

Hindi ko na pinansin ang ilang reaksyon nang ibang kaklase ko. Hindi na ako magtataka kung mahulaan nila kung anong meron samin ni Eros. But still I'm thankful dahil hindi naman sila nagtatanong pero sa mga mapanuksong tingin nila sakin ay parang alam na nila.

Ilang araw na ba ang paulit-ulit na pag-punta ni Eros dito sa building namin. Minsan napakawalang kwenta pa ang mga dahilan niya kapag pumupunta siya dito, halatang may sadya.

Sa ilang araw na nakalipas hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya iyong last time na nagkausap kami ni Dos. Alam kong dapat din na malaman niya ang tungkol don pero may part sakin na ayokong sabihin yon sakaniya.

Ang dami kong iniisip sa ngayon at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung anong gagawin ko tungkol saamin dalawa.

Napangiti ako nang makita siya sa labas nang room namin sa gilid. Mabilis kaming nagkatingin at sabay pang natawa nang makita ang isa't isa.

Paanong babaliwalain ko ang isang to? Hindi ko alam. I like him so much na hindi ko alam kung kaya kong siyang I let go.

"Ano na naman ang napakawalang-kwenta mong dahilan at bakit nandito ka na naman?" natatawang sabi ko matapos makalapit sakaniya.

"So your saying na wala kang kwenta?" natatawang pang-aasar na sagot niya

Bwst na 'to

"Ano?" sunod na sabi niya nang masama ko siyang tinignan

"Badtrip ka alam mo ba yon?"

"Ngayon lang yan, baka pampagoodvibes tong mukhang 'to? " mayabang pang sabi niya

"Wow ha, gwapong bading ba?" pang-asar ko

"Mali, magandang bading 'to mas maganda pa sayo" sagot niya sabay irap pa sakin dahilan para matawa nalang ako sa kakornihan niya.

"Ano nga? Bakit ka nandito? " tanong ko

Hindi ko alam kung anong klaseng lakas ang meron sa isang 'to dahil hindi yata napapagod kakapunta dito sa fourth floor kung nasaan kami.

Hindi siya sumagot at agad na may inabot na isang paper bag. Ano naman kaya ang laman nito?

"Oh .."

"Ano na naman to?" takang tanong ko at pagkatapos ay kinuha ang paper bag na hawak niya

"Tignan mo nang makita .."

Mabilis kong binuksan yon at hindi ko na naitago ang gulat ko nang makita kung anong laman non!

Nagugulat kong ibinalik ang paningin ko sakaniya at ayon na ang mayabang pero matamis na ngiti sa mukha niya.

"I know I'm the best .. " nakangising sagot niya

Hindi ko na napigilan at mabilis na lumapit sakaniya at patalon na yumakap. Pakiramdam ko mapupunit na yata ang mga labi ko dahil sa laki nang pagkakangiti ko. Sobrang saya ko talaga, I can't believe him.

"Thank you Eros! " masayang sabi ko habang nakayakap sakaniya

"Gagi, huwag kang mag-alala ibabalik mo rin yan sakin dahil ipapahiram ko lang.."

Kung kanina mabilis akong nakaramdam nang tuwa at saya ay ganon din kabilis nawala lahat yon nang marinig ko ang sinabi niya.

Kaya naman mabilis akong kumawala sa pagkakayakap sakaniya at nakasimingot na tumingin sakaniya. Tawang-tawa naman siyang tumingin sakin. Nakakabadtrip talaga ang isang 'to, napahiya pa ako don ah!

"Ano? Hahaha "

Umirap nalang ako at inis siyang tinignan.

Dahil sa pinaghalong kahihiyan at inis ko ay hindi ko na napigilan at inis kong ibinalik sakaniya ang paper bag na hawak ko. Paasa rin ang isang to e' o ako lang talagang 'tong tangang assuming! Badtrip.

"Papasok na ako .." hindi ko na napigilan sambit dahil sa inis.

Hindi ko na siya hinintay sumagot at agad siyang tinalikuran na hanggang ngayon ay tawang-tawa parin sa nangyareng pagkakapahiya ko pero hindi ko pa man siya tuluyang natalikuran ay mabilis niyang hinila ang kamay ko dahilan para mapaharap ulit ako sakaniya.

Inis akong tumingin sakaniya.

"I'm just kidding 'kay? Of course this is for you .. binili ko 'to para sayo" mahinahon na niyang sabi pero halata sa reaksyon niyang natatawa pa rin siya.

"Huwag na sayo na yan kung gusto mo"

Mas lalo niya pa akong hinila papalapit sakaniya.

"I'm sorry na .. I'm just kidding okay? Para sayo 'to e halos napasok ko na lahat nang bookstore dito para lang mahanap ang mga 'to para sayo .. please .. Sorry na.." malaming na boses na sabi niya.

Gusto kong kurutin ang sarili ko dahil pakiramdam ko lahat ang inis at kahihiyan nararamdam ko ay agad na nawala nang isang lambing lang nang boses niya! Ganito ka na ba karupok Brylee?!

Napatingin ako sakaniya at ayon na naman yong matamis na ngiti sa labi niya at ang mata niya masyadong nakakahipnotismo. Sa mabilis na ihip nang hangin mabilis nag-bago ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ilang araw ko na lang makikita at matitigan ang ngiting yon.

How can I let him go without hurting him?

"Hoy, okay ka lang ba?" concerned na tanong ni Pixie matapos kaming makapasok sa kwarto niya

Hindi ko na alam ang gagawin ko, naguguluhan ako at nahihirapan. Lumipas na ang isang linggo matapos ang huling babala sakin ni Papa at kahit hindi siya nagsasalita ay alam kong binibigyan nalang niya ako nang ilang araw para magawa yon. Ang tuluyan layuan si Eros.

Kapag naiisip ko palang na tuluyan siyang layuan ay nasasaktan na ako! Paano ko sasabihin at gagawin yon sa taong gusto ko?

Hindi na kaya nang isip at utak ko kaya naman tinawagan ko si Pixie at nagdesisyon na pumunta dito dahil pakiramdam ko siya lang ang mas makakaintindi at makakatulong sakin.

Napabuntong hininga nalang ako pagkatapos kong maupo sa kama niya.

"Bry .. "

"What should I do Pixie? " pagod kong tanong

Mabilis siyang lumapit sakin at nag-aalalang tumingin.

"Nahihirapan ako at the same time nasasaktan. Alam kung nasa limitasyon na ang araw na binigay sakin ni Papa para tuluyang iwasan si Eros. Hindi ko alam kung ano ang tama at dapat na gawin ko. I like him so much na hindi ko siya kayang saktan!"

"Bry .. "

"Natatakot akong saktan siya pero nahihirapan din akong hindi sundin ang pinapagawa sakin ni Papa ... pero sa huli gusto kong magalit sa sarili kung bakit hinayaan kong mangyare yon kahit alam kung hindi pwede .."

"Naging masaya ka sa mga panahon na yon Bry kaya hindi mo kailangan magalit sa sarili mo ... alam kong nahihirapan ka at kahit anong desisyon ang gawin mo at piliin mo, nandito lang ako. Suportado sayo."

Ang hirap pumili sa dalawa kase mahalaga sila. Gusto kong maiyak pero pakiramdam ko kahit anong iyak pa ang gawin ko ay hindi na magbabago ang isipan nang Ama ko.

Hindi ko maiwasan mapait na matawa nang maalala ang ganito rin eksena na nangyare noon. Sana kung nandito ang kapatid ko, edi sana may kakampi ako.

But .. she's already gone ..

That Pretty Boy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon