Chapter 11

442 28 1
                                    

It's already 6:00 am in the morning at ramdam ko na ang gutom. Napanis narin yata tong' laway ko dahil nang magsimula kaming umalis ay never pa akong nagsalita at impossible din na kakausapin ako nang katabi ko. Ilang oras narin ang nakalipas at hanggang ngayon ay, eto nasa bus parin.

Tahimik ang buong paligid dito dahil ang ilan ay nagpatuloy sa pag-tulog, sabagay ang aga rin namin kaninang dumating sa school. Inaantok rin naman ako pero mas lamang yong gutom na nararamdaman ko.

Mabuti nalang talaga at meron tong' cellphone ko kaya kahit papaano ay hindi naman ako tuluyang namatay sa sobrang bored.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya naman ay agad kong kinuha lunchbox na ipinabaon ni Mama sakin bago ako pumasok kanina. Nang binuksan ko ang lunchbox ay agad akong napangiti ng makitang may sandwiches at ilang hotdog na paborito ko ang nasa loob.

The best talaga si Mama .. hehe

Hindi ko na binalingan ang katabi ko dahil wala naman akong pakialam at agad na kumuha ng isang sandwiches doon pero napatigil lang ako nang kakainin ko na sana ito ay bigla nalang may mabigat na dumagan sa balikat ko.

Kakain na nga lang yong tao oh! Gutom na ako please lang!

Inis akong bumaling doon at nagulat ako nang makita nakasandal na pala ang ulo ni Eros sa balikat ko.

Ano na naman to? Tss

At dahil hindi naman kami close ay dahan-dahan kong inalis ang ulo niyang nakasandal sa balikat ko at nang matapos kong ma-ialis yon ay nakangiti akong bumaling sa pagkain ko pero hindi ko pa man nahahawakan ang lunchbox ko ay naramdaman ko na ang ulo niyang sumandal sa balikat ko ulit.

Napapikit nalang ako at irita nang iniwas ang balikat ko dahilan para mahulog ang ulo nito at nakasimagot nang bumaling sa pagkain na nasa harap ko pero sa ikatlong pagkakataon ay hindi ko man naaayos ang sarili ko ay naramdaman ko na naman ang ulo niyang sumandal sakin.

Nang iinis ba ang isang to o ano? Badtrip! Baka gutom na gutom na ako?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at iritang bumaling dito at nakitang tulog na tulog ito na akala mo kung sinong prenteng nakasandal lang sa balikat ko.

Susubukan ko sana itong alisin ulit nang biglang may tumawag sakin.

Napabuntong-hininga nalang ako nang makitang si Dos yon at nakangiti itong nakatingin sakin.

Huwag mo sabihiin na may pa-favor na naman ang isang to?

"Hey Bry .. " pabulong na sabi niya dahil natutulog pa ang karamihan samin

"Why?" walang ganang sagot ko

"Pwedeng pasandal muna yong ulo ni Eros sa balikat mo please? Maaga kasi siyang nagising kanina at puyat rin dahil ang daming tinapos na mga letters kanina para sa gaganapin ngayon .. can you assist him a little bit kahit hanggang sa magising lang siya? Please .."

A little bit? Baka naman pag-dating namin sa camp hindi ko na ramdam tong' balikat ko.

Tumango nalang ako at hindi na nagsalita.

"Thank you .." nakangiting sabi nito

Siguraduhin lang talaga ng bading na to na hindi tumutulo ang laway nito kapag natutulog at baka masapak ko siya ng wala sa oras.

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag kahit alam kung labag yon sa kalooban ko o baka lang pumayag nalang ako dahil kahit papaano ay nagui-guilty parin naman ako nang konte sa mga pinagsasabi ko sakaniya.

Hindi ko nalang pinansin ang ulo niyang nakasandal sa balikat ko pero pakiramdam ko pati buong katawan niya nakasandal na ngayon sakin dahil ramdam ko ang bigat niya.

Akala yata ng isang to' boyfriend niya ang katabi niya, Hoy! Gising bading baka ako tong' lagi mong nakakasagutan.

At dahil wala rin akong magagawa ay itinuon ko nalang ang buong atensyon ko sa pagkain at nagsimula nang kumain.

Ilang minuto palang ang nakakalipas matapos akong magsimulang kumain at hinayaan na sumadal ang bading na to' sa balikat ko nang bigla nalang niyang ipinulupot ang braso niya sa bewang ko at bigla nalang niyang isiniksik ang mukha niya sa leeg ko.

Ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga niya leeg ko! At gustong-gusto ko nang manapak ngayon!

Agad akong bumaling sa kung saan banda nakaupo si Dos pero katulad ng iba ay nakatulog narin ito at pakiramdam ko gustong-gusto ko nang sumigaw ngayon, ni isang tao nga ay hindi ko pinapayagan na hawakan ako sa kahit anong parte nang katawan ko tapos eto? What the?!

Badtrip! Badtrip! Hindi pa man nagsisimula ang team building namin naiinis na ako!

Pilit kong pinakalma ang sarili ko na huwag gumawa nang eksena dahil pakiramdam ko pahihiyain ko lang ang sarili ko lalo na at wala pa naman ako kaclose sa mga kasama ko ngayon.

I only have myself right now , calm down Bry ...

Unti-unti kong binitawan ang pagkain na hawak ko at ibinalik yon sa lunchbox at pagkatapos ay agad na uminom ng tubig.

Matapos kong maiayos ang sarili ko ay sinubukan kong alisin ang braso niyang nakayakap sa bewang ko pero hindi ko pa man yong nagagalaw ay naramdam kong mas humigpit pa ang pag-yakap niya sakin at mas isiniksik niya pa ang mukha niya sa leeg ko.

Pakiramdam ko nag-taasan ang mga balahibo ko sa likod ng leeg ko nang maramdaman ang labi niya sa leeg ko! Putangina ...

Napabuntong-hininga nalang ako dahil pakiramdam ko kung susubukan ko ulit ay baka mas hihigpit pa ang pag-yakap niya sakin lalo na at baka mas hindi ko magugustuhan ang sunod na mangyayare.

Itinuon ko nalang ang buong atensiyon ko sa labas nang bintana at kita nang maliwanag na ang buong kalangitan dahil sumisilip na ang araw.

Ilang sandali pa ay ramdam ko na ang unti-unting pag-bigat ng talukap ng mata ko hanggang sa tuluyan nang mag-dilim ang paningin ko.

Nagising lang ako nang biglang umingay kaya naman agad ko na rin iminulat ang mga mata ko at nagulat akong mapansin nakasandal ako sa balikat ni Eros.

Sa gulat ko ay agad akong napa-ayos nang upo at napabaling sakaniya na ngayon ay deretso lang ang tingin niya sarap na parang wala lang.

"Sorry .." agad kong sabi na saktong siya lang ang makakarinig

Wait, Bakit ako nag-sorry? Hindi ba dapat siya rin? Hindi ko alam pero pakiramdam ko para akong kinilabutan ng maalala kung anong pinag-gagawa niya nang dapat ay sasandal lang sana ito sa balikat ko!

Agad rin akong napatigil nang marinig na nagsalita si Miss Perez, ngayon ko lang din napansin na hindi na pala umaandar ang sasakyan namin.

Napabaling ako sa labas ng bintana at agad na bumungad ang malawak na lupain sa harap.

"Gising na ba ang lahat? " nakangiting tanong ni Miss

"Yes Miss "

"So, before we start our team building I want everyone to have fun and enjoy everything, also I want to remind everyone to be safe, thirteen tayong pumunta dito kaya thirteen din tayong uuwi, maliwanang ba? " seryosong sabi ni Miss Perez

Na sabay-sabay namin sinagot.

"Yes Miss"

Sana nga lang ... 

That Pretty Boy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon