Prologue

49.6K 922 102
                                    

TRIGGER WARNING!

This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.

Read at your own risk.


SAVING SERENE


Prologue


Simula nang maintindihan ni Serene ang lahat tungkol sa buhay, iniisip niya na sa tuwing umaga, bakit ba siya nandito? Ano ba ang dahilan kung bakit siya nabuhay? May misyon ba siyang kailangang gawin?

Kung meron... ano 'yon?

Gumigising lang ba siya para matulog ulit?

Kumakain lang ba siya para magutom ulit?

Nabuhay lang ba siya para isipin kung... kailan siya mawawala sa mundong ito?

Sa loob ng mahigit dalawampu't dalawang taon niyang nabubuhay sa mundong ito, hindi pa rin nakikita ni Serene kung ano ang layunin niya sa mundo. Hindi niya pa rin makita ang dahilan kung bakit pinili Niya siya para mabuhay sa napakagandang mundong inialay Niya sa mga makasalanang tao.

Sa loob ng mahigit dalawang dekada ng pamamalagi niya sa mundong ito, napagtanto niyang hindi siya nararapat para rito. Sa loob ng mga taong iyon, napagod na siyang isipin kung ano ba ang mapapala ng mundo sa kaniya; dahil wala naman talaga siyang maiaalay.

Wala siyang talentong maiaambag sa sining ng mundo.

Wala siyang talino na magagamit sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.

Wala siya ng lahat ng bagay na ninanais ng mundo sa isang tao.

Hindi niya rin kilala ang sarili niya—hindi niya alam kung ano ang gusto niya.

Hindi niya alam kung ano ba talaga siya. Ang mayroon lang siya, talento sa pananakit ng mga tao sa paligid niya.

At ngayong gusto na niyang tapusin ang buhay niyang wala namang saysay para sa kan'ya, hindi niya pa rin magawa—hindi niya masimulan at hindi niya alam kung paano gagawin nang hindi nasasaktan ang mga nagmamahal sa kaniya sa pagkawala niya.

Ngunit isang araw, napagtanto niya ang kailangan niyang gawin para hindi sila masaktan sa pagkawala niya.

At ngayon...uunti-untiin niya 'yon, hanggang sa wala na silang maramdaman sa kaniya.

Hanggang sa wala nang matirang pagmamahal ang puso nila para sa kaniya.

Hanggang sa...wala na silang mararamdamang sakit sa pagkawala niya.

Hanggang sa... tuluyan nang mawala ang puso nila sa kaniya.

___


Saving Serene [Wattys2020 Winner!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon