Chapter 14

2.5K 134 14
                                    

TRIGGER WARNING!

This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.

Read at your own risk.


Chapter 14

Have you ever feel so desperate to seek for answers through internet?


Lumipas pa ang ilang linggo at buwan, dumalas ang pag-alis ni Serene sa bahay nila nang hindi nagpapaalam. Minsan, hindi na niya dinadala pa ang cellphone niya dahil nakukulitan na siya sa mga tawag ni Helene at Lerma sa kan'ya. Gusto niya lang naman ng oras para sa sarili niya. At gusto niyang makahinga sa bahay nilang punong-puno ng mga bagay na pumipigil sa kaniyang huminga nang mapayapa.

Simula noong sinabi niya kay Helene na puwede siya nitong tanungin tungkol sa pagpapakunsulta sa Psychiatrist, hindi na siya nito tinigilan sa mga pagta-tanong kung kailan siya magpapakunsulta at kung saan niya balak. Paulit-ulit niyang sinasabi na hindi niya pa alam at hindi pa siya handa, pero paulit-ulit lang din naman ang mga tanong nito sa kaniya sa araw-araw.

"Ate..." panimula niya.

"Serene, you need help."

Serene sighed. "Alam ko kung kailan ko kailangan ng tulong, Ate. At hindi ngayon 'yon."

"Serene, you definitely need help immediately. Depressed ka."

Napairap na lang si Serene sa kawalan sa narinig. Heto na naman sila. Paulit-ulit. Noon, hindi niya pinapatulan ang pagsasabi ng kan'yang kapatid na depressed siya. Pero dahil paulit-ulit, at alam niyang hindi rin naman tama ang sinasabi nito sa kan'ya dahil para sa kan'ya ay okay lang siya, hindi na niya mapigilan pang magsalita.

"Hindi ako depressed, Ate. Alam mong malalim na ang bagay na 'yan. Hindi mo puwedeng sabihin na depressed ang isang tao dahil lang sa mga maling nakikita mo. Maayos ako, Ate. Hindi ako depressed."

Helene pursed her lips before she started talking. "Tingnan mo nga ang sarili mo, hindi ba depressed 'yan?"

Serene scoffed. "'Yan lang ba ang basehan mo, Ate? You studied nursing and definitely, you had a Psychology class. Sana alam mong hindi lang ito ang basehan ng depression na sinasabi mo. Malawak 'yon, Ate. Alam mong hindi mo puwedeng basta na lang sabihin na depressed ang isang tao dahil lang sa pagmumukmok, pagiging gising sa madaling-araw o may self-harming. Hindi gano'n 'yon."

Nag-iwas ng tingin sa kaniya si Helene matapos marinig ang lahat ng sinabi. "Kaya nga sinasabi ko sa 'yo 'to, Serene. Kasi nakikita ko ang mga sintomas sa 'yo."

"Pero hindi ka Psychologist o Psychiatrist para mag-diagnose ng isang tao na mayroon itong depression."

"Hindi ba't kaya nga kita pinipilit magpatingin para mapatunayan natin kung ano ang tama? Serene, you fucking need help. Bakit ba ayaw mong tulungan ang sarili mo?"

Kitang-kita na niya ang inis at galit sa kaniyang kapatid, pero hindi mawawala sa mga mata nito ang pag-aalala. Naiintindihan niya, pero sobrang nasasakal na siya sa paulit-ulit na lang na pangyayari sa araw-araw.

Walang pagbabago.

"Wala akong kailangan. Kaya ko ang sarili ko... at okay ako."

Iniwanan na niya ang kapatid sa kaniyang kuwarto at lumabas ng bahay. Naglakad-lakad siya palabas ng subdivision. Nag-angat siya ng tingin at nakitang papalubog na ang araw. Kulay orange ang kalangitan. Ito ang mga pangyayari sa kalangitan na hindi niya gaanong nakikita dahil madalas ay nasa kuwarto lang siya at walang pakialam sa lahat.

Saving Serene [Wattys2020 Winner!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon