Chapter 29

3.5K 133 48
                                    

TRIGGER WARNING!

This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.

Read at your own risk.


Chapter 29

Have you ever witnessed someone lost their life in front of you?


Mabagal, at paunti-unti na binabalik ni Helene ang mga aklat na inialis at itinago ni Serene pabalik sa bookshelf nito. Nag-uumapaw sa sakit at pangungulila ang puso niya matapos niyang mabasa ang sulat na iniwan ng kaniyang pinakamamahal na kapatid.

Tila wala na ring luha ang kaya pang pumatak sa kaniyang mga mata dahil pakiramdam niya,tapos na niyang iiyak ang lahat kaninang madaling-araw, at ngayong hindi nila alam kung saan nagpunta ang nakababatang kapatid, hindi niya alam kung ano ang unang dapat niyang maramdaman.

Dapat ba siyang masaktan muna dahil muli na namang umalis si Serene nang walang paalam? Dapat ba siyang magalit sa sarili dahil siya ang nagpumilit noon dito na kumunsulta ng Psychiatrist? O dapat siyang matakot dahil base sa sulat ay lalayo ito at babawiin ang sariling buhay?

Kinuha niya ang aklat na unang binili nilang magkasama ni Serene at nakita na hindi na ito gaanong maganda tingnan dahil sa pagkaluma nito, ngunit itinabi pa rin ito ni Serene na parang isa sa mga aklat niyang bago.

Nang buklatin niya ang mga pahina ay nakita niya ang litrato nilang dalawa ng kapatid habang hawak ang aklat na iyon. Muling nangilid ang mga luha ni Helene nang ibalik niya ito sa pagitan ng bawat pahina ng aklat, tsaka muling isinarado.

"Serene..."

Niyakap ni Helene ang aklat na iyon at hinayaan ang sariling umiyak nang umiyak habang nasa kaniyang bisig ang aklat na minahal nang sobra ng kaniyang kapatid.

***

Kinabukasan, January 1, natapos na ang taon at ngayon ay panibagong taon na ang kahaharapin nila.

Wala pa rin silang tawag na natatanggap mula sa mga pulis kung ano na ang balita sa paghahanap kay Serene. Noong una ay ayaw pa sila nitong tulungan dahil base sa kanilang protocol, kailangang bente-quatro oras na nawawala ang isang tao bago ma-confirm na missing person nga ito.

Ngunit nang ipinaliwanag nila ang sitwasiyon ay pinagbigyan sila nito. Ayon sa imbestigasiyon, huling namataan si Serene sa isang bar sa Ortigas.

Bandang 8:30 a.m. nang makatanggap sila ng tawag sa telepono sa kanilang sala mula sa mga pulis at nakatanggap sila ng balita tungkol kay Serene.

"Ma'am, good morning po."

"Good morning, Chief," sagot ni Helene dito.

"Ma'am, nakatanggap kami ng tawag mula sa hospital sa Bataan..." Triple ang kabog ng dibdib ni Helene nang marinig iyon. "Ma'am, hindi raw alam ang apelyido ng babae dahil hindi naman siya kilala ng nagdala, pero Serene din daw po ang pangalan ng pasyente..."

Sunud-sunod na tumulo ang mga luha ni Helene habang si Lerma ay nakatitig sa kaniyang panganay na anak na para bang naghihintay ito na makakuha ng ideya sa kung ano ang pinag-uusapan nila.

"Ma'am, punta na lang po kayo sa opisina para matulungan po namin kayo sa pagpunta sa ospital na iyon, upang makumpirma niyo rin kung siya nga po ba ang hinahanap niyo..."

Saving Serene [Wattys2020 Winner!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon