Epilogue

7.3K 304 155
                                    

TRIGGER WARNING!

This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.

Read at your own risk.

Date started: October 07, 2018

Date finished: April 07, 2020


Epilogue


"Villanueva, Serene..." pagtawag ng MC sa pangalan niya sa ikatlong pagkakataon ngayong ginaganap ang kanilang graduation.

Masayang umakyat sa entablado si Serene kasama ang kaniyang ina na sinuportahan siya sa lahat ng gusto niya.

Isinabit sa kaniya ang medal ng special award niya bilang siya ay naging malaking parte ng organisasiyon nila at dahil sa malaking ambag na nagagawa niya sa tuwing mayroong talk, charity, counselling, at marami pang iba.

Sa loob ng apat na taon niyang pag-aaral ng BS Psychology, apat na beses rin siyang nagkaroon ng Plaque of Appreciation sa lahat ng graduation na naganap sa university dahil sa siya ang speaker madalas, at dahil isa siya sa punong-abala sa tuwing mayroong seminar.

Naiimbitahan rin siya ng ibang eskwelahan para sa parehong seminar. Mahirap dahil maraming kailangang gawin sa kurso na kinuha niya, pero hangga't kaya niya ay ginagawa niya ang lahat para matanggap ang mga ito.

Isa rin sa mga dahilan kung bakit madalas siyang kuhanin ay dahil daw iba talaga ang talk kapag mismong sa taong nakaranas na nanggaling ang mga salita.

Minsan ay paulit-ulit na lang ang mga sinasabi niya, at nahihiya rin siya, pero lagi namang ipinaparamdam sa kaniya ng mga propesor na kumuha sa kaniya na maganda ang mga salitang sinabi niya.

Kailangan rin na talagang maging maingat sa mga salitang bibitawan kapag 'yon ang topic ng talk, dahil madalas, nati-trigger ang isang tao na makagawa ng hindi maganda sa sarili sa isang maling salita lamang.

Mahigit sampo na ang plaque of appreciation na nakuha niya mula sa iba't-ibang eskwelahan kasama ang university na pinag-aralan niya. Mabuti na lamang at may nabili siyang maliit na shelf na puwedeng isabit sa dingding upang paglagyan ng mga plaque na ibinibigay sa kaniya.

"Proud na proud ako sa 'yo, anak..." masayang sabi ni Lerma bago siya hinalikan sa pisngi habang naka-puwesto ang cameraman sa ibaba ng stage.

Masayang-masaya si Serene at by this time, kahit na paminsan-minsan ay umiinom pa rin siya ng antidepressants, alam niya sa sarili niya na okay na siya...

na nailigtas na siya.

Two years ago, she already went back to writing.

Yes, at first, mahirap dahil 'yung mga dating mambabasa niya ay nawala na. Hindi tulad noon na kapag nagpo-post siya ng bagong chapter, o bagong story, nandoon kaagad ang mga 'yon para basahin, mag-like at magkomento sa gawa niya.

Noong mga panahong nagsisimula ulit siya, wala siyang naabutang mambabasa kahit na isa.

It was hard for Serene at first. Sobrang nalulungkot siya at minsan, naiisip niyang sumuko na lang ulit sa pagsusulat. But as time passed by, she understands that she wasn't writing for so many years. She understands that her readers need a story to read and she didn't write anything for so long. It's okay to find other authors who will give them those stories they are craving nonstop.

Saving Serene [Wattys2020 Winner!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon