Chapter 05

6.4K 249 60
                                    

TRIGGER WARNING!

This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.

Read at your own risk.


Chapter 05

When did you first realize that you can't do it anymore?


Isang linggo na ang nagdaan simula no'ng araw na 'yon. Tumambay siya sa harap ng kanilang bahay dahil wala naman siyang ginagawa sa loob, kaya naman naisip niyang sa labas ng bahay na lang nila siya manatili, kahit na may mga taong tumitingin sa kaniya, na alam niyang hinuhusgahan siya.

Ilang saglit pa ay may nakita siyang batang ang edad ay nasa pito hanggang walo. May dala itong mahabang bagay. Nang makita niya 'yon ay naramdaman niya ang napakabilis na tibok ng puso niya, malalamig na pawis na lumalabas mula sa katawan niya at ang panginginig ng kaniyang buong katawan, lalo na ng kaniyang mga kamay.

Nang tuluyan na sa kaniyang nakalapit ang batang 'yon ay sumigaw siya nang sumigaw, lalo na at huminto pa ito sa harap niya dahil nagulat ang bata sa kaniyang pagsigaw. Lalong lumakas ang sigaw ni Serene nang dahil doon.

Mabilis na lumabas si Lerma at Helene nang dahil sa malakas na mga sigaw ni Serene. Maging ang kanilang mga kapit-bahay ay nakuha na niya ang atensiyon dahil doon.

"Serene, ano bang nangyayari?!"

Tinakpan niya ang kaniyang tainga habang nakapikit nang mariin ang kaniyang mga matang linalabasan ng napakaraming maiinit na luha.

"'Ma, may ahas, 'Ma!" malakas na aniya, nagpa-panic. "'Ma!"

Pinaalis ni Lerma ang batang may hawak na laruan ng ahas, habang si Helene naman ay inaakay si Serene papasok sa loob ng kanilang tahanan. Nang makarating sa sala ay pinaupo siya ni Helene at iniwan doon para kumuha ng tubig na maiinom. Ilang saglit pa ay pumasok na rin si Lerma.

"Akala ko kung napaano ka na, Serene! Laruan lang naman 'yon, ano bang isinisigaw mo r'yan?!"

Dumating si Helene dala ang tubig at ipinainom kay Serene.

"Sigaw ka nang sigaw sa labas, akala namin kung ano nang nangyari sa 'yo! Laruan lang naman iyong iniiyak mo r'yan!"

Ginustong pigilan ni Serene ang sarili niya sa pagsagot, ngunit hindi niya nagawa.

"'Ma, kahit na totoo man 'yon o laruan lang, sa mata ng taong may phobia, ahas pa rin 'yon! Hinding-hindi mo ako maiintindihan, 'Ma! Hinding-hindi niyo ako maiintindihan!"

"Tumigil ka na, ha!" malakas na sabi ni Lerma. "Aanhin ka ba ng ahas na laruang 'yon, ha?!"

Nakatitig si Serene sa kaniyang mga kamay na nanginginig ngayon, habang sunud-sunod na hikbi ang lumalabas mula sa kaniyang bibig. Hindi pa rin natitigil ang pagtulo ng mga luha niya at ang paglabas ng malalamig na pawis sa kaniyang katawan, lalo na sa kaniyang mukha.

"Hindi niyo napapansin na kayo ang gumagawa ng dahilan para mawalan kayo ng anak, 'Ma..."

Hindi niya alam kung ano na ang naging reaksiyon ng kaniyang ina matapos niyang sabihin 'yon dahil bigla siyang nakaramdam ng sobrang panlalambot, pagdilim ng mga paningin, hanggang sa hindi na niya alam kung ano na ang sumunod na nangyari dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay.

***

Gabi na nang magising siya ngunit hindi niya pa rin maikilos ang kaniyang katawan nang buong lakas dahil ramdam niya pa rin ang panlalambot na naramdaman niya noong makita niya ang bagay na sobrang kinatatakutan niya.

Saving Serene [Wattys2020 Winner!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon