Chapter 22

2.3K 129 13
                                    

TRIGGER WARNING!

This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.

Read at your own risk.


Chapter 22

Did you ever have the freedom to do anything you want after so many years?


Mahigit walong oras ang naging byahe ni Serene at Cody papuntang Vigan, Ilocos Sur. Ito na ang pinakamatagal na naging byahe ni Serene sa bus.

Hindi ininda ni Serene ang sakit ng kaniyang kanang hita at braso mula sa pagkakatalon niya sa bintana hanggang sa sahig sa labas ng kanilang bahay. Kung tutuusin ay napakaseryosong bagay ng ginawa niyang iyon at base sa sakit na nararamdaman ni Serene ay kailangan na niyang magpatingin sa doctor, ngunit ayaw niya. 'Yon na ang huling bagay na naisip niya sa dami ng bagay na tumatakbo sa isip niya ngayon.

Habang namamasyal, unang tumambad sa kanila ang lugar kung saan makikita mo na parang nasa panahon pa sila ng Español. Mayroong mga kalesa ang nagkalat, mga bahay na makaluma ang disenyo at marami pang iba. Maraming tao rin ang nandito, pero kung tutuusin, sobrang laki ng pinagkaiba ng lugar na ito sa Maynila.

"Parang normal na sasakyan lang ang kalesa rito. Samantala, madalang na madalang akong makakita no'n sa Maynila at sa iba't-ibang lugar na napuntahan ko." sabi ni Serene nang makita ang mga nagdaraanang kalesa.

Namasyal pa si Serene at Cody sa lugar na iyon. Nakarating sila sa bayan at amoy na amoy ni Serene ang empanada na bini-bake sa isang bakeshop. Busog na busog ang mga mata ni Serene sa mga bagong tanawin na ngayon ay nakikita niya.

Matapos nilang maglibot ay naghanap sila ng maliit na apartment na puwedeng rentahan sa loob ng isang buwan. Mas mura iyon kaysa sa transient house. Limitado lang ang pera na mayroon si Serene kaya habang nabubuhay pa siya ay kailangan niyang magtipid.

Nang makakuha ng isang maliit na apartment ay ibinaba ni Serene ang mga gamit niya sa kuwarto at nahiga sa kama. Si Cody ay naupo lamang sa gilid ng kama habang nakatingin sa kaniya.

"Anong plano mo?" tanong ni Cody.

Nagkibit-balikat si Serene. "Enjoy-in ang natitirang oras ng buhay ko?"

Cody sighed. "Ano pa bang dapat gawin ko para mapigilan ka sa gusto mong gawin?"

Nasaktan si Serene sa tono ng boses ni Cody nang tanungin siya nito. She's overwhelmed that someone can offer something in exchange of quitting her plans, but, on top of that, she feels terrible and selfish because for her, there is nothing that can stop her anymore.

"Wala."

"Do you want me to... come with you?"

Mabilis na napabangon si Serene sa sinabi nito.

"What? No way! Hindi mo puwedeng gawin 'yan!"

"But I can't live here without you. You, of all people, know that."

Umiling nang umiling si Serene sa sinabing iyon ni Cody. "You will not do that thing, Cody. Hindi mo puwedeng gawin ang huling bagay na gagawin ko."

"Kung ayaw mong gawin ko, huwag mong gawin 'yon sa sarili mo. After you enjoyed this place, we will go back to your home, Serene. Otherwise, sasama ako sa lahat ng pupuntahan mo."

Saving Serene [Wattys2020 Winner!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon