Chapter 26

2.4K 106 15
                                    

TRIGGER WARNING!

This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.

Read at your own risk.


Chapter 26

Have you ever met someone so stranger but knows you?


December 30, two days before the year officially ends.

Serene finally decided to do what she planned before the things gets worse. She took the list she made few weeks ago with her. She left her letters to her mom and sister in her study table.

She looked at her watch and saw that it's 1:12 in the morning.

"Tulog na sila niyan."

Dahan-dahan siyang bumaba mula sa terrace at maingat na tumalon hanggang sa makababa na siya sa sahig. Tulad noong unang beses, sobra siyang nasaktan pero mas mababa ang kinalulugaran niya ngayon kaysa noong unang beses kaya naman naging tolerable para sa kaniya ang sakit na natamo niya ngayon.

Paika-ika siyang naglalakad palayo sa kanilang bahay. Sumilip siya sa guard house at nakitang gising ang isa doon habang ang isa ay tulog. Lumapit siya rito at nagpaalam.

"Kuya, alis ako."

"Ah, ma'am nagpaalam na po ba kayo?"

Nag-iwas ng tingin si Serene dito. "Oo."

"Sige, Ma'am. Ingat na lang po kayo."

Lumabas na siya ng subdivision nang nagmamadali at nang makitang may tinatawagan ito sa telepono habang nakatingin sa kaniya ay mabilis siyang tumakbo, hindi inaalintana ang sakit na nararamdaman. Sumakay kaagad siya ng taxi na nakita niya sa highway at nagpahatid sa isang bar, dahil doon siya hindi makikita ng mga maghahanap sa kaniya.

Makalipas ang isang oras ay nakarating siya roon. Nagbayad siya ng pamasahe bago pumasok sa loob ng bar. Pumunta siya sa bar counter at nag-order ng Margarita. Mabilis naman itong ibinigay sa kaniya.

Kinuha niya ang papel sa bulsa at binasa ang to-do list niya bago niya gawin ang huling plano niya.

TO-DO LIST

1. Go to a place where no one knows me

2. Buy a white dress or gown

3. Retreat house

4. Smoke a cigarette

5. Lose my virginity

6. Beach

7. D

She scratched the number three since it's already impossible, and finished writing on number 7.

TO-DO LIST

1. Go to a place where no one knows me

2. Buy a white dress or gown

3. Retreat house X

4. Smoke

5. Lose my virginity

6. Beach

7. Die

"Hi." Tumingin siya sa bartender na nasa counter. Nakita niya itong nakangiti sa kan'ya. "Free Jack Daniel's for a lonely lady."

Saving Serene [Wattys2020 Winner!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon