Chapter 24

2.3K 119 6
                                    

TRIGGER WARNING!

This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.

Read at your own risk.


Chapter 24

Have you ever open up with someone about something that bothers you for years?


Serene lost it all.

It feels like she lost her mind even when her mind is full of endless thoughts that makes her feel so empty.

She took all her things from the apartment she's staying without bidding goodbye to the landlady. She has no obligations anymore since she already paid for the month she stayed at the apartment. There's no reason for her to wait for the landlady before she leaves.

Now that she's all alone and no Cody beside her, she still feels like people are staring at her like she's a wanted criminal. She became more aware of the world, of how many tourists were walking along with her.

She couldn't notice it before since she's preoccupied with Cody.

But now that he's gone, like a real human, she feels more tormented.

Sumakay siya ng bus pabalik ng Manila. Hindi tulad noon, isang upuan na lang ang binayaran niya ngayon. Naghintay pa ng ilang minuto sa terminal bago tuluyang umalis ang bus.

Cody has always been a real human to her. Hanggang ngayon ay nakikita niya pa rin ang imahe ni Cody sa kahit saan man siya lumingon. Masiyado siyang maraming alaalang ginawa kasama ng hallucination niyang 'yon. Hindi magiging madali para sa kaniyang bitawan ang naging sandalan niya sa lahat lahat.

Naalala niya ang araw na sumakay sila ng kalesa. May nakita silang magkasintahan na masayang nakasakay rin doon sa isa pang kalesa na nasa hindi kalayuan nila.

"May mag-jowa, oh?"

Mabilis na napalingon ang nagpapaandar ng kabayo kay Serene nang magsalita siya. Buong akala nito ay siya ang kausap niya. Sasagot na sana ito sa kaniya nang humagikgik si Serene at nagsalita ulit.

"Sa tingin mo, nag-sex na sila?"

Muling tumawa si Serene nang makita ang itsura ni Cody dahil sa tanong niya.

"Grabe namang tanong 'yan!"

"What?! Nagtatanong lang ako. Bente-dos na ako, Cody, ano ba?"

"Tss."

Ibinalik na lang ng lalaki ang atensiyon sa daanan at napalunok nang mapagtantong hindi siya ang kausap ng babaeng nakasakay sa kaniyang kalesa.

Wala nang luha ang tumutulo pa sa mga mata ni Serene, gaano man kasakit ang mga nararamdaman niya, dahil hindi niya alam kung ano ang una niyang dapat maramdaman.

Una, dapat ba siyang masaktan dahil ang kaisa-isang taong nanatili sa tabi niya ay purong imahinasiyon niya lamang pala?

Pangalawa, dapat ba siyang malungkot dahil hindi na naman natuloy ang plano niyang pagpapatiwakal?

Pangatlo, dapat ba siyang...magalit sa sarili dahil hindi siya naniwala sa kaniyang pamilya, sa kabila ng lahat ng ginawa ng mga ito para sa kaniya?

Halo-halong emosiyon ang nanaig sa kaniya. Sa sobrang dami ng laman ng isip niya, hindi man lang siya nakaidlip sa mahigit walong oras na byahe niya. Umuulan pa nang makarating siya sa Manila.

Saving Serene [Wattys2020 Winner!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon