Chapter 09

3.5K 168 38
                                    

TRIGGER WARNING!

This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.

Read at your own risk.


Chapter 09

When did you realize that you've wasted opportunities because of your anxiety?


Umagang-umaga pa lang ay ginising na si Serene ni Lerma dahil may tawag siya na kailangang sagutin.

"Serene, gumising ka na at kausapin mo ang Tita mo."

Tamad na tamad na iminulat ni Serene ang kaniyang mga mata. "Bakit, 'Ma? May ano po ba?"

"Tumawag ang Tita mo, nakauwi na pala siya galing U.S. Susunduin ka raw niya mamayang gabi, kailangan mong mag-empake. Sige na, bumangon ka na r'yan at kausapin mo siya. Nandoon pa siya sa telepono."

Tumango siya at bumangon na tsaka sumunod sa kaniyang ina. Nakita niya ang telepono na nakalapag sa maliit na lamesa sa tabi ng kanilang couch. Kinuha niya ito at sinagot ang nasa kabilang linya.

"Hello, Tita?"

"Serene! Nasa Pilipinas ako ngayon. I supposed, you're not busy tomorrow until the following days?"

"S-Saan po ba tayo pupunta?"

"We're going to Bohol. Kasal ng pinsan mo, anak ng kapatid ko. Tomorrow ang flight natin to Bohol. Susunduin ka namin d'yan mamayang gabi. We already bought a ticket for you. All you need to do is bring all the things you need and your ID or Passport."

Iyon ang unang beses niyang sasakay ng eroplano at ang malaman na isasama siya ng pinsan ng kaniyang ina ay halo ang kaniyang emosyon. Excited siya, ngunit natatakot siya sa mga sasabihin ng mga kamag-anak niya tungkol sa kaniya. Para kasi sa kaniya, hangga't maaari ay ayaw niyang maging malapit sa mga mayayaman nilang kamag-anak. She doesn't feel like she's part of them. There's too much wall between her and her rich relatives.

"O-Okay po."

"For now, buy everything you need. I'll send you money—"

Napakuyom ang kamao ni Serene sa sinabing 'yon ng kan'yang Tita kaya naman mabilis lang din niyang pinutol ang sasabihin nito.

"M-Meron po akong pera, you don't need to give me anymore."

Her aunt is the best Auntie for her, pero hindi na yata niya kayang tumanggap ng pera mula dito, lalo na ngayon na nasayang niya ang pagtulong nito sa kaniyang pag-aaral ng kolehiyo dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang trabaho.

"No. I insist. I'll deposit the money on your account right away after we talked. I know you feel bad but please don't think that I have the same mind-set as the other people around you. Now, go to the mall and buy everything you need. By 7:00 PM, I'll be there in your house so be sure to pack everything you need as early as possible."

Humigpit ang hawak niya sa telepono nang marinig niya ang pagputol ng linya. Bakit ba kailangang bigyan siya ng pera sa lahat ng oras? She didn't spend her money that her mom always gives her so she definitely has money for the next few months. She hates it every time she can't do anything whenever she doesn't want to receive money from someone.

She feels awful. She pity herself for that.

Pakiramdam niya ay talagang palamunin at walang kwenta siya sa tuwing binibigyan siya ng pera nang sapilitan.

Saving Serene [Wattys2020 Winner!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon