Chapter 12

2.5K 125 18
                                    

TRIGGER WARNING!

This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.

Read at your own risk.


Chapter 12

When did you first feel that you are fooled by your family?


Kinabukasan, tulad ng sinabi ni Helene, ay namasyal silang dalawa ni Serene.

Masayang-masaya si Serene dahil sa wakas, magkakaroon na ulit sila ng bonding na magkapatid. Ito 'yung mga bagay na gusto niya, e.h 'Yung kasama niya ang kapatid niya, na nakikipag-bonding siya kay Helene para kahit papaano, makalimutan niya ang iniisip niya.

She was so happy. She used the clothes that Helene gave her last Christmas. Pero nang makita niya ang kaniyang nakatatandang kapatid, parang ito ang may problema. She doesn't seem to be her usual self. Para kay Serene, parang may pino-problema ang kaniyang kapatid.

Dalawang linggo na simula noong umuwi si Serene galing Bohol. Mas nakita ni Helene ang senyales ng mga pagbabago ng kapatid, kaya naman kahit na ayaw niya, kinailangan niyang gawin ito.

Matapos nilang mamili sa mall at kumain sa restaurant, sumakay sila ng taxi.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Serene.

Napalunok si Helene sa kaba, bago nag-iwas ng tingin. "Ahh, basta. Hintayin mo na lang, Serene."

Ilang minuto lang ang nagdaan, nakita na ni Serene kung saan talaga sila pupunta. Nag-alab ang galit sa damdamin ni Serene nang mapagtanto kung nasaan sila.

"S-Serene..."

Masama ang mga tingin ni Serene nang lumingon siya kay Helene. Bakas na bakas ang takot sa mga mata nito, ang guilt... ang lungkot.

"Hindi ako papasok d'yan," matigas na sabi ni Serene sa kaniyang kapatid.

Nagbayad na ng taxi si Helene bago hinila palabas si Serene. Ilang beses siyang nagpumiglas pero wala siyang nagawa kung hindi ang lumabas na lang ng sasakyan.

"Ano ba, Ate?!"

"Para sa 'yo 'to, Serene! Kailangan mo nang magpakunsulta ng doctor!"

Hindi nagpatalo si Serene. Paulit-ulit siyang nagpumiglas sa bawat hila sa kan'ya ng kapatid papalapit sa clinic na 'yon.

"Ate naman!!! Hindi ako nababaliw! Ano bang pumasok sa kukote mo at dinala mo ako sa isang Psychiatrist? Ako ba ang nababaliw o ikaw? Ate, napakaayos ng pag-iisip ko!"

"Maayos?!" hinila ni Helene ang braso at itinaas ang long sleeve ng damit na suot niya. "Tingnan mo nga 'yan, 'yan na ang maayos ang pag-iisip?!"

In her arms are scars and fresh wounds. Ang iba naman ay pagaling na. Up until now, she still doesn't know that she's doing it. Nagugulat na lang talaga siya na may sugat siya.

Ang dami... at hindi niya namamalayan 'yon.

Para kay Serene, hindi 'yon sapat para masabing nababaliw na siya o may sakit siya sa pag-iisip. She's just not aware of what she's doing. She's been like that for so many years. Kaya nga sobrang nipis na ng buhok niya, eh. Hindi siya aware na nagbubunot siya ng buhok. Noon pa nila alam iyon, pero bakit ngayon pa nila siya dadalhin sa eksperto?

Saving Serene [Wattys2020 Winner!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon