Chapter 03

8.4K 304 114
                                    

TRIGGER WARNING!

This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.

Read at your own risk.


Chapter 03

When did you first feel that you are a disappointment?


Isang taon muli ang nakaraan, pero wala pa ring nahahanap na trabaho si Serene.

Hindi na rin naging priority ni Serene ang maghanap ng trabaho dahil sa dami ng iniisip niya.

"Ano? 'Yung anak mo? Habang-buhay na ba 'yang tambay sa bahay niyo?" tanong ng Tito niya sa kaniyang ina na si Lerma.

"Hayaan mo siya. Eh sa nahihirapang maghanap ng trabaho, eh."

"Nahihirapan? Baka hindi naghahanap? Baka kaya lang umaalis ng bahay 'yan para maglakwatsa? Pinagtapos mo ng kolehiyo, tapos hahayaan mong maging tambay na lang?"

Umirap sa kawalan si Serene sa lahat ng narinig sa lasing niyang tiyuhin.

"Hindi na nakatulong sa 'yo at sa atin 'yan. Hahayaan mo bang gan'yan na lang siya habang buhay? Ang laki ng ginastos mo at ng pinsan natin sa anak mong 'yan, Lerma!"

"Ako naman ang gumastos, Kuya, hindi ikaw. Kami. Kaya 'wag ka sanang masiyadong apektado kaysa sa akin. Anak ko 'yan at ako ang bahala r'yan!"

"Kaya lumalaking walang kwenta ang mga anak mo dahil kinukunsinti mo ang katamaran!"

Nagbuntonghininga nang malalim si Serene at hindi na napansing tusok-tusok na niya ng gunting na hawak ang kaniyang kamay. Nakita na lang niyang dumudugo ang kamay niya pero wala siyang maramdamang sakit. Pakiramdam niya ay namamanhid na siya sa mga naririnig niya sa mga tao sa paligid niya dahil sa pagiging tambay niya.

Pumunta siya sa kusina para hugasan ang kamay na may mga dugo.

"Oh, anong nangyayari sa 'yo?" tanong ni Helene sa kaniya habang nagluluto ng hapunan.

"N-Nabagsakan ng gunting."

"Bakit napapadalas 'yan, Serene? Ano bang nangyayari sa 'yo? Mag-iingat ka naman!"

"Sensiya na Ate, hindi ko naman sinasadya, eh."

Tumingin si Helene sa kaniya na parang sinusuri siya gamit ang mga tingin niya.

"Huwag na huwag mo lang masasaktan ang sarili mo, Serene. Maling-mali 'yon."

Pagkatapos nitong sabihin iyon ay ibinalik na ang atensiyon sa pagluluto, habang si Serene naman ay nagtataka sa huling sinabi ng kaniyang kapatid.

Ako? Sinasaktan ko nga ba ang sarili ko?

Hindi maintindihan ni Serene kung bakit madalas nga ay hindi na niya napapansin ang mga ginagawa niya. Minsan ay nagugulat na lang siya na humahawak ng matutulis na bagay sa walang dahilan.

Madalas din na wala siya sa sarili, na para bang nalulunod siya sa lalim ng iniisip. Hindi na rin siya halos nakakatulog sa sobrang dami ng nilalaman ng isip niya.

Hindi siya masaya, 'yon lang ang alam niya.

Hindi na siya masaya sa buhay niya, dahil pagod na siya.

Hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin kung bakit siya nabubuhay, at kung ano ang misyon na dapat niyang gawin sa mundo. Bakit siya nabuhay sa mundo? Gusto niyang maghanap ng dahilan; gusto niyang maghanap ng rason; pero paano niya magagawa 'yon kung nakakulong lang siya sa bahay at tumutulong sa trabaho ng kaniyang ina?

Saving Serene [Wattys2020 Winner!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon