Chapter 10

3.6K 151 36
                                    


TRIGGER WARNING!

This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.

Read at your own risk.


Chapter 10

When did you conquer one of your fears?


Pumunta sila sa hotel na kanilang tutuluyan sa Panglao, Bohol. Hindi kalayuan ang byahe mula Tagbilaran hanggang Panglao, pero sapat iyon para maramdaman niya ang pagod mula sa pagpunta nila ng airport, pagsakay ng eroplano, at pagbyahe mula airport ng Tagbilaran hanggang sa Panglao, Bohol.

Hindi pa rin niya lubos maisip kung bakit masiyado siyang nagpadala sa takot niya sa pagsakay sa eroplano. Hindi niya mapigilang mag-isip ng mga bagay na masasama dahil 'yon ang unang beses niyang sasakay ng eroplano. Siguro nga, dahil takot siya sa matataas na lugar. Siguro din, hindi lang siya ang natakot sa unang beses ng pagsakay ng eroplano; alam niyang marami rin ang natatakot tulad niya.

Nang makarating sila sa hotel na kanilang tutuluyan ay in-assign na sa kaniya ang bed niya at doon, nagpahinga sila. Bago umidlip ay nag-text si Serene kay Lerma.

Serene:

Ma, nasa Bohol na kami. ;)

Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa lalamunan nang makahiga na siya sa higaan niya ngayon, at nang makatulog nang mahimbing.

***

Kinabukasan ay maaga silang lahat na gumising dahil ang unang itinerary nila sa Bohol ay ang puntahan ang Philippine Tarsier Sanctuary, kung saan nandoon ang mga tarsier na sa Bohol mo lamang makikita.

Halos tatlong oras ang naging byahe nila papunta ro'n mula sa hotel na kanilang tinutuluyan. Pagdating nila sa lugar na 'yon ay maraming tao rin ang nagpunta para bisitahin ang mga tarsier.

Bago pumasok sa loob, mayroong lamesa kung saan nakalagay ang mga panindang ginawa mismo sa Bohol. Mga tinapay, cacao, banana chips, at kung anu-ano pa na madalang mo lang rin makikita sa ibang lugar.

Parang gubat, kung tutuusin, ang lugar na pinuntahan nila. Masiyadong tahimik, masiyadong maraming halaman at puno. Kahit na maraming tao ang nandoon, hindi nag-iingay ang mga ito sa kadahilanang bawal ang maingay sa loob ng sanctuary.

Pagdating sa lugar kung nasaan nakapuwesto ang mga tarsier, mas naging tahimik ang mga tao roon. Maraming tao ang kumukuha ng litrato sa tarsier na nakakapit sa mga puno at nakapikit.

"Paalala ko lang po na bawal po tayong mag-ingay dahil ang mga tarsier, kapag nakarinig ng sobrang ingay, sila po ay nagpapakamatay. Kaya mag-iingat po tayo. Pakipatay rin po sana ang flash ng ating mga camera dahil maaaring matakot sila."

Ahh, kaya pala tahimik kahit maraming tao...kasi nagpapakamatay sila kapag maingay, bigla, ay naisip ni Serene matapos marinig iyon.

Kung maingay ba ang isip niya, p'wede na rin siyang magpakamatay tulad nila? Inalis ni Serene ang iniisip na 'yon at f-in-ocus ang sarili sa mga dinayo nila ro'n.

Dahan-dahang lumapit si Serene sa isang tarsier na nakakapit sa puno, at nakita niyang nakadilat ito. Kitang-kita niya ang mga malalaki, bilog na bilog, at makikintab na mga mata nito. Itinutok niya ang cellphone niyang naka-silent at nakapatay ang flash ng camera, tsaka kinuhanan ng litrato ang tarsier na nakatitig sa kaniya.

Saving Serene [Wattys2020 Winner!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon