Chapter 17

2.2K 100 22
                                    

TRIGGER WARNING!

This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.

Read at your own risk.


Chapter 17

When did you stop believing in humanity?


Serene scoffed as she remembered the disappointment she felt before.

"You want me to fucking ask for people's help? Sa tingin mo hindi ko pa nagagawa 'yan?" Serene asked with disgust in her face.

Bakas ang galit sa tono ng boses ni Serene at walang kahit na anong nabago sa reaksiyon ni Cody nang marinig at makita ang galit na Serene sa harap niya.

"I fucking called every suicide hotline to ask for fucking help. At ano ang sagot na nakuha ko? Sorry, the system is currently busy? Ano pa? Sorry, business hours are only 6 fucking a.m. to 8 fucking p.m.? Ano pa? Sasabihin nilang magdasal ako? Makinig ako sa sermon ng pari sa simbahan at kung anu-ano pang ka-bullshit-an na hindi ko naman talaga kailangan? Na kailangan kong mas maging malapit sa Diyos dahil baka raw kulang ako sa putanginang pananampalataya?!"

Sunud-sunod na tumulo ang mga luha ni Serene nang maalala ang mga araw at gabing desperado siyang makahingi ng tulong sa tao noong hindi pa siya nawawalan ng pag-asa. Ilang beses siyang tumawag sa suicide hotline pero lagi siyang bigo. Sa tuwing natatapos ang tawag ay mas lalo lang bumibigat ang loob niya, na para bang kasalanan niya pang nagkakaganoon siya ngayon.

Philippine's system for mental health is fucked up, she thought. Ilang beses nang natawag na kaartehan lang ang kung ano man na nararamdaman niya at ng mga taong katulad niya. Ilang beses nang pinagtawanan sa social media ang mga article na nagsasabing nagpakamatay ang isang tao dahil sa depresiyon nito at ilang beses ininsulto na hinding-hindi mapupunta sa langit ang kaluluwa ng mga taong nagpapatiwakal—that was the least thing a person could hear... and read. Especially for the people who was left behind by the person who killed themselves.

"That is fucking bullshit, Cody!" Serene shouted.

Sa tuwing may nababalitaan ang mga tao tungkol sa mga taong sinasaktan ang sarili nila, madalas pinagtatawanan sila. Sa nababasa niya pa, kung talagang may balak daw na magpakamatay ang mga ito, bakit hindi ituloy? Bakit malayo sa palapulsuhan ang mga laslas kung talagang balak nitong magpakamatay?

"We are often fucking called attention seeker! Naiintindihan mo ba? Sa tuwing may nakakakita ng mga laslas ko, ng kung anu-anong klaseng sugat mayroon ako sa katawan ko, anong sasabihin nila? Na kailangan kong magbasa ng bible? Na kung talagang suicidal akong tao, bakit ang layo ng hiwa ko sa lugar kung saan mamamatay ako? Bakit parang kasalanan ko pang nararamdaman ko lahat ng ito?!" malakas na sabi ni Serene, wala nang pakialam sa mga makakarinig sa kan'ya.

Nag-iwas siya ng tingin kay Cody at marahas na pinunasan ang mga luhang walang tigil sa pagdaloy sa kaniyang pisngi.

"Ano pa ba? Kapag tuluyang namatay, magsisisi sila sa social media?! Magbibigay ng napakahabang mensaheng puno ng kaplastikan? Na sana nakinig sila? Na sana naniwala sila? Na sana, hindi nila ito binalewala? Hindi pa ba sapat na patunay 'yung mga namatay... t-that this mental fucking illness is real and damn serious?! Cody, there's so many people out there who are killing themselves because of the bullshit society!

Saving Serene [Wattys2020 Winner!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon