1 | dream

788 27 2
                                    

I looked around the building. Tulad kanina, wala pa rin akong makitang exit. Shit.

Nagpatuloy akong maglakad, "Hello?!" Walang sagot. Basang basa na yung t-shirt ko sa pawis. Kanina pa ako nagpapaikot ikot sa lugar na ito.

Walang pintuan. Walang bintana. Puro hallway lang na puti.

Lumiko ako sa kanan ko at doon, sa pinakadulo, mayroong kwarto. Nakasarado ito pero mayroong sumisilip na liwanag sa puwang sa ilalim nung pinto.

Naglakad ako papalapit pero parang kada hakbang ko papalapit, papalayo lang nang papalayo yung pintuan.

Napatigil nalang ako sa paglalakad nang may tumapik sa balikat ko. "Kuya,"

Agad akong napadilat. Si Sam, yung nakababata kong kapatid, giniginising ako at mukhang takot na takot sa nakita niya.

"Kuya, are you okay? You were crying in your sleep." Napaupo ako galing sa pagkakahiga.

Hinawakan ko yung buhok ko at medyo hinawi ito papataas. "Hey, come here." Sinunod naman niya ako.

Tumabi siya sa akin at yumakap sa akin. "Did I scare you?"

Tumango siya. "Yes, kuya. You were crying out someone's name earlier, I thought they were hurting you."

I can't remember my dream anymore kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Nico?" Napatingin kami ni Sam kay mom na nakatayo na pala sa may pintuan. "Is everything alright?"

Tumango ako na sinuklian niya lang rin ng tango. She didn't believe me. Halata sa reaksyon niya.

"Sammy? Why don't you go downstairs na and wait for your school bus?" Tinignan ako ni Sam bago nakangiting tumango kay mom.

"Bye, kuya! See you later!" I smiled at her and waved.

Sinara naman ni mom yung pinto nang makalayo na siya.

Lumapit siya sa akin, a sad smile plastered on her face. Umupo siya sa tabi ko at pinunasan yung pisngi ko. "Had a bad dream?" Nagshrug nalang ako. Hindi ko naman alam kung ano ba yung napaginipan ko.

"Do I have to wash your sheets again?" Inangat niya yung blanket ko jokingly.

"Mom," I groaned, my voice deeper than usual.

"Ooh. Right. You're a big man na nga pala." Mom and her teasing.

"Ha ha, mom. Very funny." Napahila ako sa buhok ko. "I don't remember them." Bulong ko na narinig naman niya.

She gave me a sad smile. "Oh, honey. It's been a month since your last episode. Do you want to go to Doc Tina?" Doc Tina — a shrink. Gusto ko sabihin kay mom na hindi siya nakakatulong since hindi ko rin alam kung ano yung ihihingi ko ng tulong.

"No need, ma. Sige, I'll go get ready na." Tumango naman siya bago lumabas.

Nang makita ko siyang lumabas, doon ako humiga at napatitig nalang sa ceiling ng kwarto ko. I may not remember what I always dream about but the feeling lingers. There were times that I would wake up with a heavy heart and there were times that I would feel empty – soulless.

Tumayo na ako. I have to find a way to stop whatever this is. Because if I don't, I'm afraid I'll lose myself.

━━━━━━━━━━

"What's with the face, bro?" Tanong ni Stephen na umakbay sa akin pagkapasok ko ng College of Engineering building.

"Oo nga, dre. Sama ng mukha natin, ah?" Gatong ni Tony na sumusunod sa amin. "Tagal ka naming hindi nakita tapos ganyan lang ang itsura mo?"

Black Rose (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon