10 | almost caught

177 15 6
                                    

Tinignan ko ang natutulog na si Rosé sa kama ko. Mukhang pagod na pagod siya. "Goodnight." I smiled at sleeping Rosé.

Lumabas ako ng kwarto para bumaba sa kitchen. May nakita kasi akong recipe sa internet. Gusto ko sanang lutuin para kay Sam at Rosé kaso mukhang matutulog nalang siya.

"Kuya?" Tawag sa akin ni Sam. "You're going to cook?"

I nodded at her. "Yes, baby."

Umupo siya sa barstool. "Daddy and I went out to dinner na but if you're cooking, I'm eating again." Masayang sabi niya.

Ngitian ko yung kapatid ko. "Sandali lang ito ha?" Tumango siya. "Change your clothes first, I'll call you when dinner's ready." She hopped off the chair before running upstairs.

Tumingin ako sa paligid. I don't know how to cook but since mom's out of the country for a seminar, I have no choice but to learn how. Ayoko rin naman istorbohin pa yung mga helpers kung kaya ko naman. Isa pa, uuwi rin sila bukas sa probinsya nila, ganun din, sa akin rin ang bagsak ng chores so might as well start now.

"First, pasta." Kinuha ko yung pasta sa cabinet sa taas. "Okay, sauce." Binuksan ko yung ref.

Nang makuha ko na lahat ng ingredients, ipinatong ko ito sa counter island. Binuksan ko yung gas stove para pakuluan na yung pasta.

Bumaba si Sam at bumalik ng kitchen. "Do you need help, kuya?" Nakapangbahay na siya.

Nakangiti akong tumango. "Yes, please, princess."

Siya ang ginawa kong taga-mix. Binigyan ko lang siya ng tungtungan para nakikita niya yung ginagawa niya.

Madali rin kaming natapos. Nagluto kami ng pasta carbonara na maraming mushrooms. Mahilig kasi si Sam sa mushrooms.

"We made a lot of pasta, kuya." Sabi ni Sam na nakatingin sa malaking bowl ng pasta sa gitna ng table.

Oo nga, medyo marami nga ito pero tatlo naman kami eh. Tapos yung iba pwedeng ilagay sa ref dahil nauna nang kumain yung mga helpers.

"Okay lang." Pinunasan ko yung gilid ng labi niya para linisin yung sauce.

"Kuya?"

"Hmm?"

"Why don't you never leave your room?"

"Ahh. I'm always tired, baby eh."

"Do you still have bad dreams?" Tanong niya habang inaabot yung baso niya. Tinulungan ko siya.

Umiling ako. "No, I don't have bad dreams anymore."

"Why?"

Nagshrug ako. That's a great question actually. Mag iisang linggo na akong walang episode. I even remember my dreams now.

I think it has to do with Rosé. She calms me down. Ever since I met her, my nightmares had stopped.

"I'm done na!" Sam exclaimed happily. I let her leave. "You can go back up na. I'll wash the dishes."

Tumayo na siya at umalis.

Nang makalayo na siya, nagsimula na akong maghugas. Nang matapos, kinuha ko yung iniwan ko sa microwave at umakyat.

Pinakinggan ko muna siya sa kabila ng pinto. Mukhang tulog pa rin siya.

Pagkapasok ko, natutulog pa nga siya.

I sighed before placing down the plate on the bedside table.

"Rest well, R." Parang may sariling pag iisip yung mga kamay ko, inabot nito yung noo ni Rosé at hinawi yung mga buhok na nakakalat sa mukha niya.

Napangiti ako nang bahagya.

Hindi ko alam kung paano niya nagagawa. Hindi ko maintindihan kung paano siya naging ganito. Broken yet beautiful. Para siyang isang bituin. Napakaganda, pero patay na.

Lumayo na ako sa kanya at tumalikod. Ibabalik ko nalang yung pagkain sa baba.

Isinara ko yung pinto nang walang ingay. Gusto kong makapagpahinga siya. Kahit iyon man lang mawala na sa alalahanin niya.

Dumiretso ako sa kitchen. Nagulat ako nang maabutan ko doon si mommy. Nagsasalin siya ng orange juice sa isang baso.

"Why are you —" tinignan niya yung platong dala ko. "Are you hungry?" Tanong niya.

Tumango ako. "Uhh... Yeah, I got hungry kaya nag akyat ako."

"Pero walang bawas." Sabi niya.

Tinignan ko yung dala ko. Marami akong nilagay dito at hindi man lang nabawasan kahit isang kutsara. "I thought I'd add more — why are you home, mom?"

Sabi niya ngayon ang flight niya papuntang ibang bansa. "Oh, I left some papers. Kukuhanin ko lang." I nodded.

Naglakad na ako papalapit ng ref. Kinuha ko yung tupperware na pinaglagyan ko ng natirang pagkain namin at ipinatong sa counter. Kumuha ako ng kaunti.

Binigyan niya ako nang nagtatakang tingin pero hindi naman siya nagsalita. Phew! That was close.

Kahit busog na ako, nag upo ako at kinain ang pagkain na para kay Rosé.

"Nico?" Tawag sa akin ni mama.

"Yes?" Tiningnan ko siya.

Pinapanood niya lang ako. "How was... School?" Parang nag aalinlangan niyang tanong.

Nilaro ko yung pagkain sa plato ko gamit yung tinidor. "It was good."

"Hmm." Tumango tango siya. Parang may gusto siyang itanong pero hindi niya magawang sabihin sa akin.

"Are you sure you'll be okay? I can cancel —"

"No, mom. Please, don't. I'm fine, really." Dali dali kong sabi.

Tiningnan niya ako na parang naninigurado. "Okay." Sabi niya makalipas ang ilang saglit.

Hindi ko na tinapos yung kinakain ko. Iniwan ko na ito sa counter at nagpaalam. "May gagawin pa pala ako, ma. Sa'yo nalang." Tukoy ko sa iniwang plato.

Dirediretso ako paakyat sa kwarto ko. Baka mamaya, humaba lang yung usapan namin, madulas pa ako.

Tulog pa rin si Rosé pagkabalik ko ng kwarto.

Nag ayos na ako para matulog.

Bukas na bukas nga, hindi ko gigising yan para mas mahaba yung pahinga niya.

Ipinikit ko na yung mga mata ko at agad ring nakatulog.

---

"Dom," May humawak sa balikat ko.

Nilingon ko ito.

"What's up with your face, bruh?" Tanong sa akin si Tony. Sumunod pala siya sa akin.

Nilingon ko muna yung lugar kung saan tumakbo yung babae bago humarap kay Tony. "Ahh... Wala."

"Sus, wala daw. Ba't ganyan mukha mo? Para kang nakakita ng multo." Pang aasar niya.

Kumunot yung noo ko. "Tarantado!" I shoved the folder to his chest. "Ikaw na nga magpasa niyan." Sabi ko bago siya iwanang nakatayo doon.

"Wait lang! Uy! Joke lang, bro!" Habol pa niya pero hindi ko na siya nilingon.

Pababa ako nang hagdan at tila nagre-replay sa utak ko yung iyak nung babae kanina. Na-curious tuloy ako.

Bakit kaya umiiyak yun tapos bakit bigla nalang tumakbo?

Napakamot ako sa batok ko. Ano bang pakialam ko dun? Tsk. Itutulog ko na nga lang ito pagkauwi.

━━━━━━━━━━

(updated: november 23, 2018 7:12 pm)

eeeehhhhkkk me n filler chaps zzz

Black Rose (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon