8 | Rosé's pain

227 17 12
                                    

It has been four days since I've let Rosé stay at my house. Wala pa rin namang nakakakita sa kanya. Hindi pa rin siya natutuklasan ng mga kasama namin sa bahay.

Mas naging busy si mom sa hospital, taking shift after shift. Si Sam naman, kung wala sa school, nandun siya bahay ni Tito Dan - her dad.

Kaya heto kami ngayon, habang wala rin sina Manang. Nasa sala. Naglalaro ng PS4.

"You're dead!" Mayabang na sambit ko. I killed her character. After losing to her again and again, I finally won a game.

Sumimangot siya. "I am." Ibinaba niya yung controller at sumandal sa sofa.

"What? Ayaw mo na? Scared I'll beat you again?" Umiling siya.

We've gotten really close. I finally know why she left.

"If I win, magkukwento ka na." Hindi siya sumagot.

Kakauwi lang namin galing school. Isinama ko ulit siya dahil wala naman siyang kasama sa bahay.

Sobrang weird nga eh. Walang sumisita sa kanya sa school. Siguro dahil kasama naman ako.

Dinampot niya yung controller ng PS4 kaya naman umayos na ako. She's really good. Wala pang nakakatalo sa akin.

Tinignan niya ako na para bang sinasabi niya na, "wag ka na umasa, matatalo ka lang".

Itinaas niya yung mga tuhod niya sa sofa sa kwarto ko. At ipinatong yung baba niya dito.

Nakatingin lang siya sa TV kaya naman clinick ko na ang GTA V. It's her favorite, at least that's what she told me. Siya ang mauuna. Paunahan kami makatapos ng mission.

Inulit niya ang mission kung saan pinili ni Franklin ang pangatlong option o ang "Deathwish". The third way. Imbes na patayin si Michael o si Trevor, papatayin nila ang mga kalaban. Magsisimula ito sa isang abandoned factory kung saan nila isinet up ang mga tauhan ng FIB at ang mga tauhan ni Devin Weston. Isa ito sa mahihirap na mission ng game dahil sobrang daming kalaban at sunod sunod ito.

Mabilis niyang natapos ang level na yun. Siguro nga kapang kapa niya na ang game na ito. Nasabi niya kasi iyon nang una kaming maglaro.

Ilang beses niya na daw itong nalaro at natapos sa PC.

Inabot niya sa akin yung hawak niyang controller. Ako naman ang maglalaro.

Kahit malamig, halos umagos na yung pawis sa noo ko. Talagang sineseryo ko ito. Gusto ko na rin kasi talagang malaman ang dahilan niya sa pag alis.

Nang matapos, agad akong napangiti. Ito na ang pinakamabilis kong tapos sa mission na ito.

"I won." Sambit niya.

Oo nga. -___-

Talagang mabilis niyang natapos ito, halos wala pang bawas ang buhay ng mga characters.

Black Rose (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon