5| remember

283 17 8
                                    

Pauwi na ako nang makarinig ng iyak sa isa sa mga classroom dito sa College of Sciences building.

Kinilabutan ako nang bahagya. Pinasa pa kasi sa akin ni Tony yung inutos sa kanya nung prof namin, ako pa tuloy ang napunta dito.

Sabi nila may multo daw sa building na 'to eh. Putcha! Kung meron nga at makakita ako, yari sa akin yung Tony na yun!

Mag aalasais pa naman na ng hapon at padilim na rin.

Nakakatakot man, nakakacurious rin. Tsk!

Dali dali akong naglakad at sinundan yung pahikbi hikbi pang iyak.

"Excuse me? May tao ba diyan?" Kapag may sumagot, wala na. Ayawan na.

Tumigil yung pag iyak kaya nagtaka naman ako.

Kinatok ko yung pinto at hindi pa man ako nakakapasok, may lumabas dun sa kabilang pinto na nakayukong tumatakbo.

"Wait lang, miss!" Tawag ko pero hindi na siya lumingon.

Hahabulin ko sana siya kaya lang may humawak sa balikat ko. "Dom,"

"Carter?"

Napabangon ako. I'm at home.

Halos mapahilamos ako sa mukha ko. "Anong meron?" I looked up at her. Confused at first, pero naalala rin naman siya. Si Rose.

"Okay ka lang?" Tumango ako.

"Kumakatok mommy mo kanina pa." Shit.

"Ahh. Okay. O–" Agad akong tumayo nang marealize ko ang sinabi niya at dali daling itinulak si Rose papuntang cr. "Don't make a noise." Sabi ko pa bago isara yung pinto.

"Nico?" Bahagya kong binuksan yung pinto. "Hmm?"

"Pinuntahan ka ni Sam kanina. You were sleeping soundly daw kaya hindi ka na niya ginising." Pumunta siya? Nakita kaya nung kapatid ko si Rose?

Napakamot ako ng batok ko. "I was?"

"Wala ka bang," Kasamang babae sa kwarto? Nakita nga yata ni Sam si Rose! "Napaginipan? Okay ka naman?"

Napabuntong hininga ako. Ayun lang naman pala.

Pero speaking of my dreams. I do remember one. Yung bago ako magising. I usually don't remember them kaya wala din akong masagot kapag nagtatanong sila. Sobrang odd nga lang nung panaginip ko kanina.

I was in school, chasing after a crying girl.

"Nico?" Tinapik ni mom yung pisngi ko. "Okay ka lang?"

Tumango ako. "Do you need something else, mom?"

Umiling siya. "Oh. I just came here to wake you up." Tumalikod na siya. "I think you better get ready for school, son. They need me at the hospital early. I'll wait for you —" Lumingon muna ako sandali sa loob ng kwarto at nakitang papalabas si Rose ng cr at shit, nakatowel lang siya. Kumaway pa. Napa-facepalm nalang ako. Weirdong 'to. "You go ahead na, mom. I'll just take the car."

Napatigil siya sa paglalakad at nilingon ako. "Are you sure?"

I smiled at her. "Pwede na naman 'di ba?"

Hindi agad siya sumagot. Parang nag iisip pa siyang mabuti. "Kaya mo?"

"Yes, ma."

"Fine, 60 lang ha?"

Hinila ni Rose yung sleeve ng shirt ko. "Psst, ano susuotin ko?"

"Bahala ka na."

"What?"

Black Rose (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon