Tinusok tusok ako ni Tony ng ballpen sa pisngi. "Oy, Dom." Tsk! Ang laking tao pero immature.
Tinignan ko siya nang masama. "What?"
Nagshrug siya saka masayang bumalik sa pagkain. Tsk. Isip bata.
Napailing nalang ako sa pagka-isip bata niya. Bakit ko ba kasi naging kaibigan itong may topak na 'to?
"Dom," Tawag sa akin ni Stephen na nakaupo sa tapat ko. Nang tignan ko siya saka ko lang napansin na pinapanood niya ako. "Natutulog ka pa ba?"
Kumunot yung noo ko. "Of course. Sa'n naman nangggaling iyang tanong mong yan?"
"Mukha ka kasing -" Hindi natapos ni Stephen ang sasabihin niya dahil sumabat si Tony. "Kayo ha? Nakakaduda na talaga! Kung wala kang girlfriend, bakit parang hindi ka nakakatulog? Siguro nag - ay bastos!" Binato ko si Tony ng tissue sa mukha. Saktong pumasok sa bibig niya yung tissue.
Sumandal ako sa upuan at tumingin sa relo ko. Siguro, kanina pa ako hinihintay ni Rosé sa kotse. Bibili lang kasi ako sana ng pagkain kaso nakita naman ako at hinatak ni Tony para sumabay na sa kanila.
Si Tony inaasar lang ako but Stephen? He's just giving me a suspicious look since I sat down.
"Okay ka lang ba, Dom?" Tanong na naman ni Stephen. Pangalawa na yan.
Tumango ako. "Oo nga."
Sumingkit yung mga mata niya. At talagang hindi pa maniniwala.
"Si Tita?" Tanong ni Stephen.
"Oo nga, si Klarisse," Nakangising duktong ni Tony.
"Uuwi in 2 weeks - Shit, Tony!" Binato ko ulit ng tissue si Tony kasi tumataas taas pa yung kilay.
"Call me dad." Tawa pa niya.
Hay! Makaalis na nga!
Tumayo na ako kaso hinila lang ako ni Tony pabalik sa pagkakaupo. "What?!" I groaned.
Ngumuso siya sa likuran ni Stephen. Lumingon si Stephen at tumingin rin sa itinuturo ni Tony.
Sa hindi kalayuan, papalapit sa table namin yung Maui. Nakangiti pa siyang kumakaway.
Ugh, can this be over already?
"Hi, Dominic." Bati niya nang makalapit siya.
"Hi, Maui." Sabay na bati ni Stephen at Tony sa kanya.
Kahit binati siya nung dalawa, nasa akin pa rin yung tingin niya. Tsk.
I get it. She likes me. Hindi ako nagmamayabang lang dahil sinabi na rin yan sa akin nina Tony and apparently, sumuko na si Stephen sa kanya dahil nung inaya niya itong lumabas, ako lang ang itinatanong sa kanya.
Nung nakaraan rin na maging kaklase ko siya sa isa mga subject ko, ganyan rin siya makatingin.
Siniko ako ni Tony nang bigyan ko lang nang isang peke at tipid na ngiti ang naging pagbati niya.
I don't think she got the idea though because the next thing I know, she's telling Steph to scoot over just to sit in front of me.
BINABASA MO ANG
Black Rose (✔️)
Romance❝the darker the night, the brighter the stars shine❞ first published: 10/12/18 latest update: 12/13/18 done publishing: - hey, you. if you need someone to talk to, im here. whatever that is, im here. n pls always remember that He's in our hearts. we...