Lights. Blue. Red.
People. Shouting. Screaming.
That's all I remember from that night — that night that I was in a car crash.
Bumiling ako sa pagkakahiga at humarap sa bintana ng kwarto ko.
Pagkauwi ko, dumiretso agad ako sa kwarto para magpahinga pero ipipikit ko palang yung mga mata ko, yung gabing yun ang pumapasok sa isip ko.
Something's missing. Parang hindi lang iyon ang kwento pero ang sabi ni mom, naaksidente ako galing sa party. Nakainom daw at ipinilit magmaneho pero hindi ko talaga matandaan kung bakit ko gagawin yun.
Mayroon akong scholarship na iniingatan. Star player ako ng University na pinapasukan ko. Bakit ko gagawin yun sa sarili ko?
Bumangon ako at tumayo sa harap ng bintana. Something I do na isa pa sa mga bagay na hindi ko matandaan kung bakit ko ginagawa.
Ever since I came home from the hospital, naging ganito na ang routine ko. Susubukang matulog hanggang sa magising na halos hindi makahinga sa kakaiyak at titingin sa bintana na parang dapat may matanaw.
Huminga ako ng malalim at patalikod na sana nang maaninag ko si Rose sa park. Yung babae kanina sa humanities 2.
Kinuha ko yung jacket ko saka dali daling bumaba. Medyo malamig na rin kasi dahil pagabi na.
"Kuya, where are you going?" Tawag sa akin ni Sam na gumagawa ng assignment sa living area.
"Sa tapat lang." Sa tapat lang kasi ng bahay namin yung park ng village.
"Sige, balik ka agad. I'm hungry na rin eh." Nginitian ko siya saka tumango.
Dirediretso ako sa labas. Hindi ko nga alam kung naisara ko ba yung gate paglabas ko.
"What are you doing here?" Tawag ko kay Rose. Nakasakay siya sa swing at nakatingin sa malayo.
Tinignan niya ako. "Uy, sinusundan mo ba ako?" What?! Ako pa ang sumusunod sa kanya?!
"Hoy, baka nga ikaw yung stalker dito! Bigla ka nalang nasa labas ng bahay namin!"
Hindi niya sinagot yung sinabi ko, instead, inilipat niya yung atensyon niya sa jacket na hawak hawak ko.
"Para sa akin ba yan? Okay lang. Hindi naman ako giniginaw."
Iniangat ko yung jacket na hawak ko. Oo nga. Bakit ko ba dinala ito?
"H-Hindi para sa'yo ito, 'no?!" Isinuot ko yung jacket. Maliit na ito sa akin. Hindi ko rin matandaan kung bakit nakasabit pa ito dun sa likod ng pinto ko. Hindi ko naman na isinusuot ito.
Medyo natawa lang siya. "Ewan ko sa'yo." Sabi niya bago bumalik sa pags-swing.
Napakamot ako sa ulo ko bago umupo sa katabing swing niya. "Ano bang ginagawa mo dito? Pagabi na ah? Pakalat kalat ka pa kahit nakauniform ka pa." Tanong ko sa kanya.
Hindi agad siya umimik pero tumigil siya sa pagduyan.
"Ito lang kasi yung damit ko." Kumunot yung noo ko.
"Lumayas ka ba?" Bakit parang wala naman siyang dalang gamit? At saka lalayas tapos papasok sa school? Edi nahanap siya doon ng parents niya.
"Taga saan ka ba ha?"
Tinignan niya ako na parang nang aakusa. "Tignan mo! Stalker ka nga! Bakit mo inaalam bahay namin?!"
Tsk. Baliw ba 'to?! Nagtanong lang, stalker agad?
"Assuming ka rin. Don't you think?"
Nagshrug siya. "Guess so. I assume, no, I expect a lot from people. Tulad sa'yo. I didn't expect to see you like this."
BINABASA MO ANG
Black Rose (✔️)
Romance❝the darker the night, the brighter the stars shine❞ first published: 10/12/18 latest update: 12/13/18 done publishing: - hey, you. if you need someone to talk to, im here. whatever that is, im here. n pls always remember that He's in our hearts. we...