15 | when she wept

229 17 5
                                    

an: hi, i was listening to cry by mandy moore and sa ngalan ng pag-ibig by december ave while writing this chap... uhm, wala lang skl. lol jk! if you want, pwede kayo makinig din sa mga songs na yun haha. oki bye. *wipes tears*

----------

"Ang saya mo yata." Sabi ni Rosé habang pinapanood akong mag-shoot ng bola sa ring. Tinignan ko siya sandali bago ibalik sa harapan ang tingin. "Syempre."

Lumapit pa siya sa akin dahil may nagkakagulo na mga highschool students sa likuran na pumipila para sa larong ito.

Nasa arcade kami ngayon, nagpapalipas ng oras. Ayaw kasi akong tantanan nina Tony at Stephen dahil sa sinabi ko kay Tony kaninang lunch. For sure, sa bahay nila ako hahanapin kaya ito, dito kami dumiretso.

"Anong ginawa mo ha?" Tanong niya pa.

Nakangiti akong nagkibit balikat. "Wala."

Hindi na siya nagtanong pa. Hindi rin naman ako aamin na pinalabas kong girlfriend ko siya.

Napangiti ako lalo nang maalala ko yung reaksyon ni Tony, pati na rin nang sabihin niya iyon kay Stephen.

Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip ko kaya ko nasabi iyon pero hindi ko naman pinagsisihan ito. At least, lalayuan na ako nung Maui at hindi na rin ako ipamimigay ng mga kaibigan ko kung kani-kanino.

"Dizon, umayos ka nga." Siniko ako ni Rosé kaya nabalik sa kanya yung tingin ko.

Tinuro niya yung scoreboard. Nakakuha ako ng high score at tapos na yung laro pero hindi pa rin ako umaalis sa harapan kakaalala ko sa nangyari kanina.

Hinila ko yung napalunan naming tickets. "Ang sungit mo na naman. Don't tell me gutom ka na naman."

Sinamaan niya ako nang tingin. "Oo na, tara na." Bigla kong hinablot yung kamay niya.

Nagulat ako sa ginawa ko pero mukhang wala lang sa kanya iyon. Hindi siya nagsalita, kumapit lang din siya sa kamay ko na ikinainit lalo ng dibdib ko. Para akong mauubusan ng hangin. Ganun ang epekto ng magkahawak naming mga kamay.

At ayoko nang bumitaw pa.

Pinalit ko yung napanalunan naming tickets para malipat sa card ko gamit ang isang kamay.

"Hindi ako mawawala, Carter." Sabi niya nang higpitan ko ang kapit sa kamay niya.

"Ako yung mawawala." Tumawa ako nang bahagya. "Kaya huwag mo akong bibitawan ha?"

Hind siya sumagot pero narinig ko siyang bumulong. "Hindi na."

Hinila ko siya papunta sa isang karaoke booth. Mayroong lalaking kumakanta sa isang stage na madadaan mo bago makarating sa mga booths.

Nasaan ka man
Sigaw ng puso ko'y ikaw hanggang ngayon

Kung sana lamang ay nakita mo
Ang lungkot sa'yong ngiti
Isang umagang 'di ka nagbalik

Gumising ka at nang makita mo
Ang tamis ng sandali
Nang kahapong 'di magbabalik

Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailanpaman
Ako'y maghihintay
Sa ngalan ng pag-ibig

Black Rose (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon