16 | realization

162 15 0
                                    

I'm sure. Now, I am certain of how I feel about her. I like her. I like Rosé.

Seeing her cry and pour her heart out to me made me realized. I like her and I want to see her happy. I want to make her happy.

Putcha, mukhang malala na nga ito. Tinamaan ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko nung una pa lang. Delikado ito.

The first time I laid my eyes on her, I already knew what danger I'm putting myself in — and this is the kind of danger you can't just dodge. Kasi ito? This involves not just my body — or my mind, this has to do with my heart, too.

Hindi ba delikado?

Alam ko, nasaktan na ako noon. Kahit hindi ko na gaano maalala, nandito at naiwan pa rin ang sakit... But when she came — when Rosé happened, tila ba nabura ang lahat. Suddenly my nightmares became my dreams. My sadness became happiness and the emptiness that I used to feel became this — became love. She filled the holes in my heart. Yung dating pakiramdam na parang may kulang, napuno niya, nasobrahan pa.

I think I am head over heels for her. I mean, why the hell am I smiling like an idiot while watching her sleep?!

Masama ito. Masama ito dahil alam ko na hindi kami pareho ng nararamdaman.

This is a heartbreak just waiting to happen.

Konting konti pa, malapit na. Malapit na akong mahulog sa patibong ni tadhana. Pasasayahin ako. Patitibukin muli ang puso ko saka ako papatayin — unti unting papatayin.

Hinawi ko ang mga hibla ng buhok na tumatakip na sa magandang mga mata niya. "Goodnight, Rose." Nakangiting bulong ko bago bumalik sa sofabed ko.

──────────

"Alam mo, pwede ka namang kumain. Hindi mo ikamamatay yun." Sabi ko sa babaeng katabi ko.

Nandito ulit ako sa garden ng school. Madalas na kaming magkita ng babaeng ito dito. Kilala niya ako at kilala ko na rin siya pero hindi ko alam ang pangalan niya. Biruin mo iyon, naikwento niya na sa akin ang buhay niya pero hindi ko man lang malaman ang pangalan niya.

"Ayoko nga! Bakit ba pilit ka nang pilit?" Pagsusungit niya.

Alam kong gutom na siya dahil kanina ko pa siya nakikitang sumusulyap sa mga sandwich na dala ko. "Talaga? Ayaw mo?"

Kinagat niya yung labi niya saka umiling. "Ayoko —" Tumigil siya. Pati na rin ako tumigil sa pagkain dahil tumunog lang naman ang tiyan niya.

One...

Two...

Three...

Tatlong segundo akong nakatingin lang sa pinanggalingan ng tunog bago tumawa nang malakas. "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Sumimangot siya at nag-cross arms. "Anong tinatawa tawa mo diyan?!"

"Y-Yung — Yung tiyan mo!!!! Hahahahahaha!" Tawa ko pa rin habang turo turo pa yung tiyan niya.

"A-Anong meron sa tiyan ko, aber?" Pagkukunyari niya pa.

Tumigil ako sa pagtawa at huminahon. Pinunasan ko pa yung gilid ng mata ko. Halos mangiyak ngiyak na ako sa kakatawa sa kanya.

"Iyan kasi! Kunyari ka pa!"

"A-Anong kunyari?!"

Black Rose (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon