"It's normal for him to go through this all over again. He did love her after all."
"When will this ever stop? I want to have my son back."
"I think it's just temporary because what your son might be experiencing is just an anniversary effect. You know all about that. Soldiers have it. When they come back from a war, they go through the trauma and the pain they've experienced whenever its that time of the year or when they've experienced that certain traumatic event."
Hindi ko ipinahalatang naririnig ko ang usapan nila. Ipinikit ko lang ang mga mata ko.
"But he thinks she's real, Tina!"
"A person's mind is very complex, Klarisse. Hindi lahat pare pareho. Maybe his longing for her caused the hallucinations or maybe it's just his coping mechanism. Maybe until now he still blames himself. He loved her, Klarisse. He loved her." Narinig kong sumara ang pinto at sabay na umalis sina mama at Doc Tina.
Hallucinations?
Was I really just hallucinating? All this time, nasa isipan ko lang siya?
But she felt real! I felt her here.
Tumayo ako sa pagkakahiga. There's only one way to find out.
Dumiretso ako sa baba at kinuha ang susi ng sasakyan sa counter. Agad kong pinaandar ang kotse nang makasakay ako.
Nakita kong humabol pa si mama na mukhang napansin lang ang paglabas ko nang paandarin ko ang sasakyan.
Sorry, mom but I really want to see her.
Pinaharurot ko ang sasakyan. Lahat ng aming pinuntahan ay dinaanan ko, hinihiling na makikita ko siya sa isa sa mga ito pero wala siya.
Pagod na ang katawan ko sa ilang araw na pag iikot pero ayaw tumigil ng puso't isip ko sa pag asang baka sakali sa huling pagkakataon ay makita ko siya.
Gusto ko lang masabi sa kanya ang hindi ko naamin sa kanya. Bago pa ang lahat ng ito. Bago pa siya mawala sa buhay ko.
Alam kong wala nang magagawa o mababago ang kahit ano mang sabihin ko dahil kahit anong gawin ko, hindi ko na siya maibabalik pa.
Inihinto ko ang sasakyan nang marating ang huling lugar na nasa isipan ko. Ito ang unang beses na bumalik ako dito.
Bumaba ako nang sasakyan at tumingin sa paligid. Malapit nang mag-sunset at panigurado, mahihirapan ako lalo na makita siya kapag dumilim na dito.
Tumayo ako sa pinakadulo ng bundok at tumingin sa malayo.
I brought her here twice before. Last year at last month.
Huminga ako nang malalim.
Maybe they were right. Anniversary effect nga siguro ito. Everything that has happened for the last couple of weeks was a repeat of everything we did before.
Dinala ko rin siya sa mga lugar na pinagdalhan ko sa kanya noon. And we met again. We became strangers once again. Kinilala ko siya at muling nahulog sa kanya.
"If you're jumping, just do it." That voice.
Unti unti akong lumingon sa pinanggalingan ng boses.
Nakatayo siya sa hindi kalayuan at nakangising nakatingin sa akin. "It's not that high. Talon na."
Hindi ako makagalaw. It's really her.
Napakaganda niya ngayon lalo pa't nakatapat sa amin ang araw.
She's still wearing the same dress I last saw her in. And that teasing smirk... Oh god knows how much I've missed that.
Dahan dahan siyang lumapit sa akin nang hindi inaalis ang tingin sa akin. "You've tricked me, didn't you?"
BINABASA MO ANG
Black Rose (✔️)
Romance❝the darker the night, the brighter the stars shine❞ first published: 10/12/18 latest update: 12/13/18 done publishing: - hey, you. if you need someone to talk to, im here. whatever that is, im here. n pls always remember that He's in our hearts. we...