Busy ang lahat kapag papalapit na ang pasko. Lahat naghahanda, lahat nagsasaya. Gusto kong ngumiti pero paano ko gagawin iyon kung ang araw na pinakahihintay ng lahat ay ang araw nang pamamaalam ko?
Tumingin ako sa paligid. Maraming tao sa chapel na ito. May mga taong namumukhaan ko at mayroong ring hindi pamilyar sa akin.
"Fix your tie, son." Tumingin ako sa harapan ko. Nakangiti si mama at inayos ang necktie ko.
Nakasuot siya ng itim na bistida. Halos lahat ng tao ay nakaitim, mangilan ngilan lang ang nakaputi.
"You look good in tux, Nico." Tumango ako at binigyan siya ng isang tipid na ngiti. "Sana magwapuhan rin siya sa akin."
She gave me a sad smile. "I know she's here and smiling. Who wouldn't? You look dashing."
Sana nga. Sometimes I still feel her presence. Sometimes I would even wake up in the middle of the night and see her smiling face.
Masaya siya at alam ko, dapat maging masaya rin ako para sa kanya.
Lumapit sa amin ni mom ang lola niya. "Napakagwapo mo naman, hijo." Ngumiti ito sa amin.
Nakipagkamay si mom dito. "Good afternoon po. Thank you for asking us to come here." Tumingin sa akin si mama at ngumiti.
"Ako ang dapat magpasalamat sa inyo dahil pinaunlakan niyo ang inbitasyon ko." Humarap siya sa akin. "Salamat at dumating ka. Alam kong masaya siya na nandito ka." Makahulugang sabi nito.
"I wouldn't miss it for the world, ma'am." Tumango siya.
"Buti at pinayagan na nila kami na bigyan siya ng maayos na pamamaalam." Iniikot niya ang tingin sa paligid. "Isang taon rin bago namin ito naibigay sa kanya."
Muli ay binalot ako nang lungkot. The church refused to give her a proper wake because of what she did. Mabuti nalang ay pumayag ang pumalit na pari ng parokya sa matagal nang hiling ng pamilya niya.
"Magsisimula na yata. Mauna na ako." Paalam sa amin nito bago maglakad papunta sa harapan.
Umupo na rin kaming lahat nang maglakad ang pari sa altar.
Tahimik ang lahat na nakikinig sa sermon ng pari. Inayos ko ang damit ko nang isa isa nang tawagin ang mga mahal sa buhay ni Rose.
Tinapik ako ni mama sa balikat nang tawagin ng pari ang pangalan ko.
Dahan dahan akong naglakad papalapit sa podium at binigyan ng tipid na ngiti ang pari.
"G-Good afternoon," Kinakabahang panimula ko. Nginitian ako ni mama at nag-thumbs up na parang sinasabi niyang kaya ko ito. "I know some of you may not recognize me. I am — was her friend in college. My name is Carter Dominic Dizon. Everyone calls me Dom or Nico but she used to call me Carter." Sandali kong kinagat ang labi ko at yumuko.
"She liked to be different. She wasn't your everyday girl — she was different. She was everything we're not. She felt more than anyone does. She was sensitive, she might have tried to hide it — but her heart, her heart still shone like a bright star in the skies."
Pumikit ako. "And I think, that was reason why I fell in love with her. Kahit nasasaktan siya, ibang tao pa rin ang iniisip niya. She cared a lot and everyone took advantage of that."
BINABASA MO ANG
Black Rose (✔️)
Romance❝the darker the night, the brighter the stars shine❞ first published: 10/12/18 latest update: 12/13/18 done publishing: - hey, you. if you need someone to talk to, im here. whatever that is, im here. n pls always remember that He's in our hearts. we...