I switched the color of my led ceiling lights to blue then to cyan, then to green. "Carter!" Binato ako ni Rosé ng plushie kaya nawala ang atensyon ko sa ceiling.
Napatingin ako sa kanya. Naka-indian seat siya sa couch at inis na nakatingin sa akin. "Ha?"
Umiling siya bago tumayo. Lumapit siya sa kama at umupo dito. "Anong meron? Kanina ka pa tulala."
Do I tell her? Should I tell her?
"Ah, Rose, I like you. Sa sobrang gusto na kita, napapaginipan na kita."
I groaned, yanking my hair. "Ugh!"
Sinilip ko si Rosé. Nakatingin lang siya sa akin na parang naghihintay sa sasabihin ko.
"May napaginipan lang ako." I finally said.
Tumaas yung isang kilay niya. "Si Maui yan 'no?"
Here we go again.
Bakit niya ba ako itinutulak nang itinutulak sa kanya? I don't like Maui - I like her.
"You're weird."
Bigla siyang humiga sa tabi ko na ikina-panic ko. What the fuck, Dominic?! Calm the fuck down!
Medyo umusod ako. Ayoko namang isipin niya na gustong gusto ko ang ganitong distansya naming dalawa... Kahit iyon pa ang totoo.
"She's pretty." Panimula niya.
You're pretty.
"Nakalipat siya ng school ibig sabihin na-meet niya ang standards ng school. Matalino siya." Ikaw rin matalino. From the way you talk, kahit minsan may pagka-straightforward ka at medyo palamura to the way you think. Sobrang lalim.
"Mukhang mabait." She continued.
Uhh... Ikaw rin? Hindi ko masabi kasi minsan ang sungit mo at medyo mapangasar ka - but the way your heart was made? The way you love your brother, there's no doubt you're kind, too.
Maybe even the kindest I've met.
Siguro may mga maling choices kang nagawa pero mabuti kang tao.
Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasagot lahat ng sabihin niya sa isip ko. Gusto kong sabihin ito sa kanya pero hindi ko alam kung papaano.
Ngumiti siya at humarap sa akin. Tumawa siya nang bahagya. "You know, sometimes I think I can read your mind."
Muling uminit ang dulo ng mga tenga ko. Sana nga. Sana nga nababasa mo ang naiisip ko. Sana nga, para alam mo, alam mo na na mahal na kita.
Bumuntong hininga siya. "Minsan talaga wala ka nalang magagawa kung hindi ang magsisi."
"Ha?"
"Hatdog." Dugtong niya na sinundan nang mahinang tawa.
That laugh...
Lumapit siya sa akin at ipinatong ang kamay sa dibdib ko. Gusto ko sanang alisin iyon dahil ayokong maramdaman niya ang bilis ng pagtibok ng puso ko pero para ako naparalisa. One touch made my heart beat even faster. Tila gusto na nito kumawala sa dibdib ko.
"Rose." Tawag ko.
"Please," She crashed her face to my side as if she doesn't want me to see her expression. "P-Please," Hindi na kailangan... Hindi ko na kailangan makita dahil ramdam ko na. Unti unting nabasa ang t-shirt na suot ko sa pag iyak niya. "Let's just stay like this for a while."
BINABASA MO ANG
Black Rose (✔️)
Romance❝the darker the night, the brighter the stars shine❞ first published: 10/12/18 latest update: 12/13/18 done publishing: - hey, you. if you need someone to talk to, im here. whatever that is, im here. n pls always remember that He's in our hearts. we...