"Bro, dali na! Halika na dito!" Sabi ni Tony sa kabilang linya. Tumakas kasi ako sa kanila ni Stephen. May ipapakilala daw kasi silang babae.
"I told you, Tony. Wag niyo ako isama sa kalokohan niyo!"
"Parang ewan naman 'to oh! Bumalik ka na di—" Binabaan ko si Tony ng tawag.
Bakit ba nila pinipilit yun? Ayoko nga sabi eh!
Tumingin ako sa paligid. Nasa tagong garden ako ng school. Sa pagkaaalam ko para sa mga estudyanteng may botany ang lugar na ito.
Pumasok ako sa malawak na green house. Siguro dito na muna ako hanggang sa mapagod kakahintay sina Stephen at Tony.
Umupo ako sa bench na nakapaligid sa isang mataas na puno. Sumandal ako sa puno bago bumuntong hininga. Nakakapagod rin pala magtago.
Papikit na ako nang makarinig ako ng tila pag iyak. Tumingin ako sa harapan. Wala namang tao.
Lumingon ako at may nakitang bag na nakapatong sa bench. May nakaupo pala sa likuran ng puno.
Umusod ako hanggang sa nasa tabing bench nalang ako ng umiiyak na babae.
She's not exactly sobbing but she's sniffling na parang kakagaling niya lang sa pag iyak.
I fished for my hanky inside my pocket. Hindi ko pa naman nagamit ito.
"Miss, ito oh." Alok ko. Dahan dahan niyang tinanggal yung nakatakip na mga kamay niya sa mukha niya at tumingin sa akin.
Pulang pula yung mga mata niya pati na rin yung labi at tip ng ilong niya.
Ano kaya ang nakapagpaiyak sa kanya? Yung exams ba? Midterms kasi ngayon.
Matagal siyang nakatingin lang sa akin kaya naman nakilala ko siya. Siya yung babaeng binu-bully noong nakaraan.
Matagal bago ko siya nakilala dahil na rin siguro sa itsura niya noon at ngayon. Kumpara sa unang pagkakakita ko sa kanya, ngayon may emosyon siya. Naghalong lungkot at gulat. Hindi niya siguro inaasahan na may makakakita sa ganitong estado niya.
"Binully ka na naman ba nila?" Tanong ko dahil mukhang wala siyang balak magsalita.
Umiling siya.
I don't get it. May itsura naman siya at mukhang mabait. Oo, parang malungkot siya pero dahilan na ba yun para i-bully siya? Shouldn't they be helping a hurting girl rather than making fun of her?
Kinuha ko yung kamay niya at inilagay dito yung panyo ko. "Wipe your nose." Sabi ko. Tumutulo na kasi yung sipon niya.
Tila natauhan naman siya. Ipinunas niya iyon sa mukha niya.
"Thank you po." Nakakapagsalita pala siya.
Noon kasi kahit na-bully siya, hindi siya nagpakita nang kahit anong emosyon na para bang ayaw niyang kaawaan siya. Now, she's not afraid for people to see her vulnerability or baka sadyang natyempuhan ko lang siya.
Ibabalik niya sana yung panyo ko na dahilan para matawa ako nang bahagya. "No, keep it."
Tumango siya at tatayo na sana pero pinigilan ko siya. "Please, stay," Mukha naman kasing gusto niyang mapag isa. "Ako nalang lilipat."
Tinignan niya ako sandali bago umupo. "Hindi okay lang po."
"Dom nga pala." Pakilala ko.
"Kilala kita. Sikat ka." Sabi niya.
Napakamot ako sa batok ko. "Hindi naman."
Tumingin siya sa mga kamay niya at tumikhim.
"Okay lang, iiyak mo lang." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Black Rose (✔️)
Romance❝the darker the night, the brighter the stars shine❞ first published: 10/12/18 latest update: 12/13/18 done publishing: - hey, you. if you need someone to talk to, im here. whatever that is, im here. n pls always remember that He's in our hearts. we...