Aamin na ako. I will confess my feelings to her tonight. I have to... Dahil hindi ko na kayang sarilinin ito.
She has to know. Dapat alam niya na yung kasama niya, nahulog na pala sa kanya.
I know everything between us will change once I confess. There's also a chance that she would leave.
"Carter!" She snapped me back to reality.
Humarap ako sa kanya. Nakalingon siya sa akin. Nakaupo siya sa bean bag sa harap ng kama at tahimik na naglalaro ng PS4.
Akala ko may sasabihin siya pero nginitian niya lang ako nang pagkatamis tamis. Sinuklian ko ng isang masayang ngiti ang napakagandang ngiti niya sa akin.
But I'm hoping... I'm hoping that she feels the same.
Tumayo ako ng kama at lumapit sa kanya. Siniksik ko siya sa kinauupuan niya. "Ang laki mong tao, Dizon!" Pahayag niya pero mas lalo ko lang siyang siniksik.
Mahuhulog na sana siya sa sahig pero nagawa kong hawakan ang beywang niya. "At ang liit mo," Hinigpitan ko ang kapit sa kanya at mas lalo siyang inilapit sa akin. "Dito ka lang kasi sa tabi ko."
I love it when her pale white skin would turn crimson red. I smirked. "Kinilig siya ih!" Pang aasar ko.
Iniiwas niya lang ang tingin niya at dinampot ang nahulog niyang controller para magpatuloy sa paglalaro.
Nakangisi akong umiling. "Nahuhulog ako lalo kapag ganyan ka eh." Bulong ko.
I think she heard me because she bit her lower lip to suppress her smile from appearing.
I'm really, really hoping she feels the same way.
──────────
I guided her out of the car. "Careful."
Humigpit ang kapit niya sa kamay ko. "Ano ba kasi 'to? Bakit may pa-blinfold ka pa?!"
Pinigil ko ang tawa ko nang makita ang pagnguso niya sa inis.
"Basta!" Nakita kami ng mga tauhan ng ni-rentahan kong restaurant.
They have this confused look on their faces pero ngumiti rin naman sila nang makalapit na kami.
"A-Ahh, Sir, welcome to Secret Garden. We hope you enjoy this beautiful night." Nag gesture sila papasok ng garden.
Binigyan ko sila ng tipid na ngiti at tango. I don't like how they look at me.
Naglakad na kami ni Rose. I rented their gazebo alongside the huge pond.
Pinaghandaan ko talaga ang gabing ito. I really want to make this one special.
And let's hope magustuhan niya ito — at magustuhan niya ako.
Maganda ang pagkakaayos nila sa gazebo. Mayroong mga maninipis na dilaw na kurtina sa apat na sulok ng gazebo.
"Mind your step." I told her as I help her up the three steps.
"Ano ba kasi ito?" Naiinip niya nang tanong.
"You'll see," Tumigil kami sa harapan ng table. Dahan dahan kong tinanggal ang blindfold na itinakip ko sa mga mata niya kanina. "Now."
BINABASA MO ANG
Black Rose (✔️)
Romance❝the darker the night, the brighter the stars shine❞ first published: 10/12/18 latest update: 12/13/18 done publishing: - hey, you. if you need someone to talk to, im here. whatever that is, im here. n pls always remember that He's in our hearts. we...