"Hoy!" Napahawak ako sa batok ko dahil sa lakas ng pagkakabatok ni Stephen. "Kanina ka pa tulala."
Inangilan ko lang siya.
"Ano bang nangyari sa'yo, p're? Kanina ka pang umaga, ah?" Sabi pa ni Tony na nilalantakan na yung pagkain ko.
Inagaw ko sa kanya yung tray ko. "Wala." Sabi ko sabay laro sa pagkain ko.
Nagkatinginan yung dalawa bago humarap ulit sa akin. "Gusto mo bang magcut nalang muna? First day palang naman." Suhestyon ni Stephen. "Oo, bro. Hatid ka na namin."
Umiling ako. "I'm okay. Wag kayong praning." Actually, I'm not. Kanina pang umaga ako napapaisip kung sino ba yung babae sa hallway.
There's something about her... Something na iba. Ugh. Maybe I really am losing my mind. If not dreams, nagha-hallucinate naman ako in broad daylight.
"Alam mo, bro. Ang creepy ng titig mo." Nawala ako sa trance-like state ko at na-realize na nakatitig pala ako kay Tony.
"Sorry." I uttered. Shit, ano ba ang nangyayari sa akin? Maybe I really should consider going to a shrink.
Tumunog yung bell, indicating that tapos na yung lunch break and afternoon classes are starting.
"I should get going." Paalam ko. Meron pa akong 1:30 pm class.
Tumayo na rin sina Stephen. "Sige, may class din ako eh," Humarap siya kay Tony. "Oh? Nakikitayo ka? Mamaya pang alas tres klase mo, ah?"
"Oordee pa akong fries tanga!" Napailing nalang ako sa dalawa. Bahala na sila diyan.
Nauna na akong umakyat dahil sa fourth floor pa yung room ko kaya naman wala akong kasama pasakay ng elevator.
"Si Dizon 'yan, 'di ba? Sabi nila nakabuntis daw yan kaya nagstop." Sabi nung nasa likuran ko sa pila.
"Gaga, mags-stop siya ng isang taon dahil nakabuntis? Kung siya yung nabuntis maniniwala pa ako eh."
Lakasan niyo pa. Hindi ko masyado marinig eh. Inis kong bulong.
Agad akong sumakay sa elevator at sinarhan sila. Mga babae talaga. Kasama na yata sa DNA nila ang pangchichismis.
Wala nang masyadong tao sa hallway pagkalabas ko ng elevator. Siguro mga nasa room na.
Tinignan ko yung schedule ko. Humanities 2, room 402. Bakit ba meron pa ako nito?
Sa likod na ako dumaan at sa likod na rin uupo. Tama nang mapag usapan ako buong maghapon. Wag na nila isama itong last class ko.
Sa tabi sana ako ng bintana uupo kaya lang occupied na ito. Mayroong babaeng nakayuko sa table at nakaharap sa bintana.
Dalawahan sa isang table ang ayos ng seats dito kaya nagpaalam muna ako bago umupo. "Miss, do you mind –" Natahimik ako nang dahan dahan siyang humarap sa akin.
She's that girl!
Sabi ko na! I really did see her! Iniisip ko na kasi kanina na baka guni guni ko lang siya. Paano, bigla nalang nawala?!
"Hi," Ibinaba ko yung bag ko sa table saka umupo. "Humanities 2?" Ngingiti ngiti kong tanong.
Tinaasan niya ako ng kilay. "I'm here, ain't I?" Ooh, feisty.
Lalong lumawak yung ngiti ko. "My name's Dominic." Inilahad ko yung kamay ko kaya lang tinignan niya lang ito.
"What do you want from me?" Huh?
Napailing ako. "Wala! Nakikipagkilala lang, may kailangan na agad?"
Kumunot yung noo niya. "Seryoso ka ba?"
BINABASA MO ANG
Black Rose (✔️)
Romantik❝the darker the night, the brighter the stars shine❞ first published: 10/12/18 latest update: 12/13/18 done publishing: - hey, you. if you need someone to talk to, im here. whatever that is, im here. n pls always remember that He's in our hearts. we...