Kabanata 21

11.5K 466 5
                                    

S-SIR, a-ano po ‘yong ang iuutos ninyo?” kinakabahang tanong ni Ada kay Sir Rick. Hindi niya alam kung saang lupalop ng mansion siya dadalhin nito, ngunit sa bawat hakbang niya’y palakas nang palakas ang pagkabog ng kaniyang dibdib.

     “Minamadali mo ba ako?” usal nito.

     Bahagyang lumayo ang dalaga nang sadya nitong idikit ang braso sa kaniya. “A-ah, h-hindi naman po, Sir. P-0asensiya na po.”

     “Relax ka lang. Hindi naman kita kakagatin, eh,” anito at tumawa pa. “Madali lang naman ‘yong ipagagawa ko sa ‘yo. Isa pa, mamaya-maya pa magre-resume ‘yong meeting namin kaya may oras pa tayo.”

     Lalong kinikilabutan si Ada sa tono ng pananalita ni Sir Rick. Nang tumapat sila sa hagdanan ay bigla siyang tumigil sa pagsunod dito.

     “S-saan ho tayo pupunta, Sir?” nauutal niyang tanong. Nanlalamig na rin ang kaniyang mga kamay.

     Pumihit ito paharap sa kaniya. “Sa taas. Nandoon din kasi ‘yong mga ipapatupi ko sa ‘yong damit.”

     Ngunit malakas ang kutob niyang hindi lang basta pagtutupi ang ipapagawa nito sa kaniya. Kailan niyang makalusot sa lalaki. “A-ah, Sir, puwede po bang mamaya ko na lang po ‘yon gawin?” Humakbang siya paatras. “N-naalala ko, m-may kailangan pa po—ahh!

     Napalitan ng tili ang kaniyang sasabihin nang bigla siya nitong haklitin sa palapulsuhan. Mabilis nitong tinakpan ang kaniyang bibig.

     “H’wag kang sumigaw, kundi mas lalong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo,” gigil nitong sabi. Hinigpitan nito ang pagkakakapit sa kaniya at pilit siyang hinihila paakyat.

     Hindi na napigilan ni Ada ang maiyak habang nilalabanan ang lakas nito. “Sir Rick! Nakikiusap ako!”

     “H’wag ka sabing—shit!

     Kapwa sila napasigaw nang biglang may kamao na umigkas sa panga nito. Rinig na rinig niya ang malakas na pagdapo ng suntok sa mukha ni Sir Rick. Tumatahip ang dibdib na bumaling si Ada sa gumawa niyon.

     “Señorito!” bulalas niya.

     Dumating si Brent! Dininig ng langit ang dasal niya!

     Bakas sa mukha ng binata ang pag-aalala. “Are you okay? Did he hurt you? Ano pa’ng ginawa n’ya sa iyo? You’re shaking!” sunod-sunod nitong wika. Kinuha pa nito ang kaniyang mga kamay at mabilis na ininspeksiyon.

     Hindi makasagot si Ada. Bukod sa gulantang pa ang buo niyang pagkatao, ngayon niya lang nakitang lumambot nang ganoon ang ekspresiyon ni Brent.

     “What the hell?!” galit na sigaw ni Sir Rick nang makahuma. Ginalaw-galaw pa nito ang nasaktang panga. “Did you just punch me, young man?! Nakalimutan mo bang tiyuhin mo ako?!”

     Nagpalipat-lipat ang tingin ni Ada sa dalawa. Hindi niya lubos maisip na kayang saktan ni Brent ang sariling kadugo.

     At dahil lang sa akin! Jusko po! Ano’ng gagawin ko?!

     Muling nagdilim ang mukha ni Brent. Hinila siya ng binata at dinala sa likuran nito. “Stay there,” matigas nitong bilin sa kaniya at saka hinarap ang tiyuhin. “You’re harassing, Ada!”

     “Harrassing Ada?!” paangil na gagad ni Sir Rick. “May iuutos lang ako sa kaniya, harassment na agad? Masama na bang mag-utos ngayon sa mga katulong?!”

     “Pinupuwersa mo siyang umakyat sa kuwarto mo!”

     “Dahil ayaw niyang sumunod sa akin! Alam mong ayaw ko ng katulong na tatamad-tamad!”

     Bumuga ng hangin si Brent. “Oh, you think I’m stupid? I know what you’re up to!”

     Napalunok si Ada. Siya ang kinakabahan sa dalawa, eh. Pakiramdam niya muling may lilipad na mga kamao. Natatarantang tinapik niya ang binata sa balikat. “S-Señorito, t-tama na h-ho.” Ngunit tila hindi siya nito narinig.

     “Wala akong panahon sa mga pa-hero effect mo, Brent. Alam ko naman kung ano ang katapat mo, eh. What do you want? A new sports car? A new condo? I’ll expand your club, too, if you want,” itinuro siya nito, “just leave that girl to me.”

     “Whatever I want?” anang binata sa mabagal at mababang boses.

     Ngumisi si Sir Rick. “Say it and whatever it is, consider it done or yours, son.”
    
     Naningkin ang mga mata ni Brent. “Stay away from Ada and leave San Guevarra, ‘yon ang gusto ko.”

     Napakurap si Sir Rick. “What?”

     “And I’m going to report this to Lolo,” pagbabanta pa ng binata.

     Nagpakawala ng isang nakakalokong halakhak si Sir Rick. “I canʼt believe this! Dahil lang sa isang maid nagkakaganiyan ka? At handa ka pang kastiguhin ako, huh?” Nang tapunan nito ng tingin si Ada ay hinarang ni Brent ang buong kamay sa kaniyang gilid upang hindi siya nito malapitan. “Wait, wait! H’wag mong sabihin sa akin na ikaw ang boyfriend ni Ada, Brent? Look at you, you’re so territorial.”

     Natigilan ang dalaga. Gusto niya sanang sabihin na hindi ‘yon totoo ngunit nang ibuka niya ang bibig para magsalita ay tanging hangin lamang ang lumabas doon. Kitang-kita rin niya ang marahas na paglunok ni Brent na para bang hindi rin nito alam ang isasagot doon.

     Pumalatak si Sir Rick. “I know she’s beautiful and all, but really, Brent? Kailan pa bumaba ang standards mo? Your exes were all, what, supermodels and socialites?”

     Umigting ang panga ni Brent. “Adaʼs not my girlfriend.”

     Nalaglag ang mga balikat ni Ada. Mahina siya sa ingles, pero hindi naman mahirap intindihin ang sinabing ‘yon ni Brent. Hindi naman siya umaasa na sasabihin nito sa tiyuhin na magnobyo sila dahil hindi naman talaga, pero bakit parang may punyal na tumatarak sa dibdib niya nang mga sandaling iyon?

➶ ➷ ➸ ➹

DIS #1: Truly, Madly, Deeply ✓ (To Be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon