Episode 14

2.6K 214 54
                                    

EPISODE 14: HOPE


"Kuya!!!"

Sobrang nagulat ako sa pagbangon ng may marinig akong sobrang lakas na sigaw sa kwarto ko. Napansin kong napabangon din si Mia.

"What happened?" I said at mas binuka ko ang mga mata ko.

Umaga na pala.

I saw everyone in my family, kumpleto, looking at me... looking at us! They're shock? I guess.

"Kuya! Why are you hugging her?!" I heard Meredith crying her lungs out.

And it sinked in. Oo nga pala, kasama ko sa kama si Mia and just like Meredith said, nakayakap ako sa kanya. Kanina, of course.

What the.

Nakita kong iwas tingin at tarantang kinarga ni Tatay si Meredith, "Meredith, hospital 'to, bawal sumisigaw dito. Labas muna kami." he said at nagmamadaling lumabas na nga muna sila ng kwarto ko.

Meredith's crying. She's really that possesive of me, and I understand it.

"Hala good morning po!" si Mia and she immediately jumped off my bed. She looked tensed.

"Mukhang nakaisturbo pa ata kami ah." natatawang tugon ni Elliot.

Kinabahan ako bigla, what are they even saying?

"Cheyen no more boy!" si Eero at natawa itong naki-high five kay El.

I saw Nanay smiled nang mapatingin ako sa kanya, "Kayong dalawa diyan, tulungan niyo na nga lang sila Emith mag-ayos ng pagkain natin. Sige na!" si Nanay, "Fixed yourselves now, JM. After, puntahan mo si Tatay at Meredith, okay?"

I sighed so deep. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman as of the moment. Parang dark aura agad ang naramdaman ko. Mukhang iba pa ata ang iniisip nila.

"Okay Nay." I said.

Ang awkward. Kingina.

"Hi Ate Mia, welcome to the--"

"Eero." pagsita ko agad-agad. I think I just knew what he's about to say. Damn it.

Wala ako sa mood for jokes like this one. Kakagising ko lang tapos ganito pa nangyari. Badtrip.

"How are you feeling Mia? Tomorrow's our celebration of your birthday. Everything's ready na ha, and I decided to change the venue. Sa bahay namin gaganapin ang event para naman new environment naman muna other than hospital. Have you contacted your parents na?" Rinig kong tanong ni Nanay kay Mia habang nanghihilamos ako. Sa bahay namin? Seryoso?

"Eh?! Ah n--naku nakakahiya naman po, pero s--salamat po tita! At tungkol dun, natext ko na po sila nung isang araw kaso hindi pa po nagrereply o 'di kaya nagpaparamdam. Busy pa po ata, icocontact ko na lang ulit mamaya." si Mia, she sounded so energetic already.

"Okay good. I hope maka-contact mo sila. Minsan lang naman ang event na iyon, at least aware sila, diba?" si Nanay.

I guess Nanay and I both pity Mia for having parents like that. Damn.

"Nay, labas lang ako." pagpapaalam ko

"Okay sige. But, huwag kayong magtagal, okay? Kakain na tayo in a bit and isa pa, don't even try lying to your sister. Feeding her with lies just to make her feel better is not a good thing. Remember that, always." ani Nanay and I just nodded.

Prince 1: Love Sick (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon