Episode 13: Hug
"JM?""JM?"
"JM?"
Nagising ako na may yumuyugyog sa akin. Napadilat ako and si Mia pala at sinesenyasan niya ako gamit ang nguso niya. Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Papa Tony kasama ang isang nurse na nakangising nakatingin sa akin.
"Pa," I called at agad akong napatayo para magmano kaso napansin kong nakahawak pala ako sa kamay ni Mia. Shit. Agad ko itong binitawan at natawa lang si Mia. Walang nakakatawa! Kingina.
Nakatulog pala ako habang nakasandal sa kama ni Mia. My back is numbing at hindi ko man lang iyon napansin buong gabi.
"Bakit andito ka? The last time I checked, sa katapat nito ang kuwarto mo ah! May dapat ba akong malaman dito JM?" si Papa and it seems like he's interrogating me.
"H--Ha? Wala naman Pa!"
"Papa mo siya JM?" Mia suddenly butted in, hate it when she's like this. "Tito?"
Nakita kong napatingin si Papa Tony sa akin at napangiti. Parang binabasa niya sa kanyang utak ang sitwasyon. He's analyzing something and I think I know what it is.
"Boy best friend ako ng Nanay ni JM. We were classmates in Medical School. Papa ang tawag niya kasi, kamuntikan ko ng gawing totoong anak si JM!" he laughed
"Talaga?!" Sobrang oa ng pagkabiglang reaksyon ni Mia, nakakabadtrip. "Paano po iyon? Nasaan po ba noon si Tito Elijha?" she asked and...
Here comes a never ending story telling once again.
I sighed. "Diba pa, ichecheck mo si Mia? Gawin niyo na! Masyadong maingay itong Mia na'to pag nag kuwento ka. Go on now Mia, stop messing around now and humiga kana." I said at nakita kong napangusong sumunod si Mia, "Chismosa 'to!" I continued
"Para curious lang naman!" pagdadahilan niya kaya tiningnan ko na lang siya ng masama at napatigil na siya, "Pero, JM! Dito ka lang ha? Huwag kang umalis Please?" she said all of a sudden at nakita kong napatingin ulit sa akin si Papa Tony at tila may nakompirma siya.
Hay! Nakakairita! I hate how things are going pero wala akong choice. I have to be with Mia because she needs me and so, I stayed.
Mia was somehow in pain but I'm quite amused to see how brave she was during her check-up. Minsan, napapatanong ako sa aking sarili if was she alone all this time lalo na sa mga tests na ganito? I really don't understand kung paano natitiis ng parents niyang ganito si Mia at mag-isang nagpapatest. Kung ako 'to at wala ang NayTay to support, I don't think I can even survive.
"Mia needs a lot of rest, we gave her sleeping pills and she'll probably wake up 8 hours or longer. She's fine now, no need to worry. Effective iyong gamot na binigay namin at kahit papaano ay nag subside na ang pamamaga ng mga veins niya dahil sa naging malakas na atake. She's doing great, for now though." si Papa at kinakausap niya ako about Mia's condition.
I nodded, "Okay pa. Salamat po." I said. Mia's sleeping soundly.
Natawa naman si Papa after what I said, "You are giving me chills JM. What happened to you all of a sudden? I didn't saw this change in you coming. Is this summer in-house too boring for you kaya andito ka at nagbabantay?" he asked smirking.
I sighed. "I know what you mean!" napaupo ako sa extra bed sa kuwarto ni Mia. "Can you think of this that way then, pa? Hindi ko rin kasi alam kung bakit eh. I didn't saw this coming either."
"Do you like her?"
Napaangat tingin ako sa sinabi ni Papa Tony, what should I tell him? Do I like Mia? Of course I don't. In fact, ang daming ayaw ko sa ugali ni Mia. And damn, is it really possible to like someone you just met? I mean, wala pang isang buwan simula nang makilala ko si Mia. She's stressing the heck out of me pa nga eh.
BINABASA MO ANG
Prince 1: Love Sick (✔️)
Romantizm"In sickness and in health, 'til death do us part..."