Episode 27

3.3K 208 105
                                    

Episode 27: Black out

Nung gabing iyon ay nagtabi kami ni Mia matulog. Ayaw pa nga niya dapat kasi may teddy bear  na raw siyang ihuhug pero wala rin naman siyang magawa,pinilit ko na. I'm just feeling sorry sa mga nagawa ko sa kanya that day kaya ganun. Hindi naman na bago.

A day before my discharge ay nasa clinic naman na muna ni Papa Tony si Mia for some series of check-ups. Habang naghihintay sa kanya dito sa labas ng clinic ay kasama ko si Dylan na ngayong araw madidischarge.

"Sobrang excited na ako pre! College life, here we come!"

"May ilang araw pa Dylan, baka mamaya hindi ka rin makapag college sa sobrang excited mo." I said jokingly, ang ingay kasi. Kahit anong kabalbalan na lang ang pinagsasabi eh hindi naman nakakatuwa.

"Hoy JM! Sobrang sama ng ugali mo! I can't beleive you're wishing me that! Grabeh ka pre, mauna ka!" he said, at drama na naman! Pero in the end nagtawanan lang din kami. Nakakahawa talaga minsan.

"Siraulo ka kasi! By the way, about doon sa text mo kagabi, the girl who stole the top spot. Any infos about her pa? Tell me,"

"Damn it! Are you cheating?!" he said all of a sudden at sinamaan niya ako ng tingin.

Cheating na naman?!

"Tanga ka ba? Wala ba akong karapatang magtanong tungkol dun? I just wanna know her achievement kung worthy ba talaga siyang makuha ang spot na dapat sa akin! I mean, if I want to top the rankings then dapat alam ko kung ano ang mga kakayahan ng mga kalaban ko no! That's just it. Hindi ako nag checheat! Hayup 'to!" singhal ko, ang bibigat ng mga akusasyon eh, grabeh naman!

"Sabagay, okay sige! Papalampasin ko iyon pero iyon na nga, maganda siya pre! Nag papart-time model iyon sa mga bigatin at kilalang magazines sa bansa. Nakakaexcite nga makilala sa personal eh! Biruin mo, bukod sa ating dalawa may isa pang artistahin sa klase? Grabehan lang!" Natawa ito

I sighed, what am I going to do with this guy? Bibo kid. "I don't care about those info. Ang gusto kong malaman ay iyong tungkol sa academic achievement niya! That's all." I said seriously para naman magseryoso itong Dylan na ito.

"Hmmm, matalino din siya. She graduated senior high sa isang all girls school, top student at consistent sa pagiging top kahit na busy siya sa modelling career. Galing no?" ani Dylan at mukhang seryoso naman siya sa sinasabi niya.

"Huh, I won't let her have the ranking's top spot. Akin lang iyon, that's Nanay and Tatay's spot kaya nararapat lang na ako din ang andun."

"Grabeh ang seryoso mo naman pre!" natawa siya, "Pero paano si Mia? Maiiwan siya dito?"

Oo nga naman. Iniisip ko rin ang tungkol sa magiging set up namin ni Mia pag nagsimula na ang pasukan. Malamang maiiwan siya dito kasi dito naman siya iniwan ng parents niya and that they think she's safe at mas naaalagaan siya dito sa hospital kaya siguro ganun ang magiging set up namin, "Siguro? Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol diyan pero most likely, dito nga siya mag-stay," pagtugon ko

I sighed. Bukas na ang discharge date ko at nahihirapan na ako patungkol dun.

"Grabeh! Alam mo pre pakiramdam ko masyado ata akong na attach kay Mia at parang nalulungkot ako na madidischarge ako ngayon eh! Kung puwede lang dito na lang din ako mag stay kaso ang layo ng school pre." sabi niya and I can sense it.

"What happen to that guy na sobra kung isumpa ang in-house every summer? Bago ka ah!" I said and laughed a bit.

"Eh alam mo naman pre, dati, ikaw lang naman nakakasama ko dito at talagang walang kuwenta madalas kaya naeexcite akong madischarge! Pero ngayon na madidischarge tayo, pucha, ang tagal pa ng summer para regular nating masamahan si Mia dito! Bakit naman kasi wala ring mag-aalaga sa kanya pag nagdischarge din siya eh! Alam mo iyon, baka puwede naman siyang mag school din." he sighed.

Prince 1: Love Sick (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon