Episode 29

2.8K 233 98
                                    

Episode 29: Secret

"Hindi naman ako marunong sa mga ganyan, Mam Sevilla! Iba na lang!" sabi ko sa adviser namin at padabog akong nagrereklamo dito sa opisina niya.

Kingina, ayaw ko.

"JM, the list is final already! Kung ayaw mo then don't expect a participation grade from me, understood?!"

Gusto ko na magwala at ibalibag lahat ng gamit dito. Nababadtrip na ako! Ni hindi ko nga alam na ako ang president ng classroom namin at vice president naman iyong Maui na iyon! Sabi kasi na isa sa mga rule sa classroom ni Mam Sevilla ay ang top 1 and 2 ang magiging automatic officer, at kailan pa naging parang sumpa ang kingina achievement mo as a top student?!

"Take it or leave it Mr. Austin! Rehearsal's starting this afternoon, it is for you to decide. Your Tatay, for the sake of grades, ginagawa niya ang lahat ah! Pati ang Nanay mo, kayo? Bakit ganyan?!"

I sighed at hindi ko na pinansin si Mam Sevilla. Sobrang nakakabanas na talagang inopen up niya ang tungkol kanila Nanay at Tatay? Malamang sila iyon eh, iba ako! Paksyet!

Palabas na ako ng opisina nang biglang may nakabanggaan ako sa may pintuan kaya agad akong napatingin kung sino, it was a deadly look that I gave her lalo na at wala talaga ako sa mood but into a little surprise, si Maui pala.

"S--Sorry," she said looking away from me na parang naiilang pa at inismidan ko lang siya dahil wala naman akong pakialam.

"JM, Maui's here!" pagtawag sa akin ni Mam Sevilla kahit na palabas na ako ng opisina niya. "Might as well plan about the rehearsal later?" pahabol niya na tila nangaasar pa ata.

Napatingin ako kay Mam Sevilla and raised an eyebrow, "Did I say I'm participating?" I asked and I'm trying to cool down dahil gustong-gusto ko na talaga ilabas ang inis ko. Shit.

This is one thing that I hate the most, being force to do something I don't like. Nakakabanas.

"Oh well, then, I think it's your choice," she said while shrugging.

I gave her a glare, "How can I even feel safe with that girl, eh naninipa naman 'yan?! Ni hindi pa nga ako makalakad ng maayos, pagsasayawin niyo pa ako? Are you f-- kidding me?!"

"A--about that..." si Maui and she's about to talk to me.

"You are acting like your father now, JM! Sige! Should I talk to your mom instead? Ako na magpapaalam sa kanya at iyang ugali mo, after all, this is for--"

"F-fine, sasali na!" sabi ko na lang and went out.

Kingina, dinamay pa ang Nanay ko!

Oh well, matapang ang Mrs. Sevilla na iyon dahil sa kakilala siya ni Nanay. She knows our family at kabisado niya rin si Nanay. Bakit naman hindi? Eh naging teacher pa ito noon ni Nanay dito sa school eh. Nakakapeste diba? Paano naman kasi, sure akong magagalit si Nanay sa akin kung magiging alanganin ang grade ko dahil lang sa hindi ako sasali! Sinubukan ko na ito dati noon sa PE class, hindi ako sumama sa swimming practical namin kaya bumababa ang periodical grade ko at napagalitan lang ako and trust me, you don't make Nanay angry, she's definitely scary at halos isang linggon'g unlimited talak ang inaward sa akin! Now, I can't even understand how my sibling's fine with it.

Kahit wala sa mood ay bumalik na lang ulit ako sa klase at nakita ko si Dylan na may band-aid sa malapit sa nguso.

"Anong nangyari diyan?" tanong ko, seeing Dylan like this? Aba, nawala ang badtrip ko.

"Ayaw mo ba pre? It's a tie!" natawa si Dylan, "Sinampal ako nung Maui! Peste ang sakit pre! Pero, hindi bale na, nag sorry na ako sa kanya at friends na kami!" kuwento niya

Prince 1: Love Sick (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon