Episode 19

3K 235 201
                                    

Episode 19: Bad feeling

"JM!"

"What the heck are you doing here?"

Andito na si Mia sa kuwarto ko.

"Eh, ang tagal mo kasi eh! Tsaka ang boring sa kuwarto ko, gusto ko manood ng tv. Okay lang, JM?" ngising tugon niya sabay upo niya sa may sala ng kuwarto ko at agad bukas ng tv, feel na feel eh.

"Are you even allowed to roam around? Nagpapagod ka na man eh pupuntahan naman kita dun! Pasaway ka talaga! Baka mapano ka! Tigas ng ulo mo!" and I can't help nagging her kasi nakakainis isipin na kakagising niya lang from an attack tapos ganito pa.

Napatingin siya sa akin, "Ni wala ngang 30 steps going to your room JM! Okay na talaga ako! Balik kana sa ginagawa mo, manonood lang ako ng tv!" she peace-signed at balik nood na siya ng tv. "Oy, titanic daw oh! Guwapo nung bida ah! Gusto mo manood, JM?" she smiled widely

Can't help but sighed so deep. Ang kulit talaga!

"No thanks! Pero hinaan mo ang volume at nag-aaral ako!" sabi ko na lang at bumalik na lang ako sa pag-aaral.

After my medical test this week ay kailangan ko na mag double time sa pag-aaral all for the college entrance exam. I know I can pass that test pero sadyang gusto ko lang ng mataas ng scores. Kahit naman kasi hindi kami pinipressure talaga nila Nanay of having super high grades ay hindi ko naiiwasang ako na mismo nag pepressure sa sarili ko eh. Both of my parents academical achievements are no joke. Lalo na si Tatay, he's a constant top 1 eversince and Nanay's his rival somehow and that's why I want to do the same. I don't want to tarnish my Nanay and Tatay's legacy when it comes to studying and so far, so good dahil I'm currently on top.

Nang nakaramdam ako ng antok ay tinigilan ko muna ang mag-aral at pansin kong parang hindi na kumikibo si Mia sa sala. Agad akong pumunta sa kanya para icheck siya at nakita kong natutulog siya? Or.. damn!

Agad akong bahagyang napayuko para obserbahan siya and just by staring at her parang okay naman siya but I won't settle on it. Nilapitan ko siya to check if she's sleeping. Tinititigan ko kung humihinga ba siya  and yet I've realized Mia's quite beautiful than I usually thought. Kapag ganitong kalmado siya and at peace...

"Nak, is Mia here?"

Napaupo ako sa sahig sa gulat nang biglang pumasok si Nanay sa kuwarto ko out of the blue. Hindi ko inaasahan iyon. Nanay talaga!

"What are you doing to Mia, JM?" si Nanay

"H--Huh? Ah, I was just checking Mia. S--she fell asleep. I was just making sure she's breathing!" paliwanag ko and yet my Nanay gave me a sneaky smile. The heck?

"Naaaaay?!" I rolled my eyes with my protesting voice

"What? Why are you so defensive, anak? I'm just smiling because it feels satisfying on my part as your mother. I raised you well!"

"May iba ka pang ibig sabihin, sa pulis kana mag paliwanag Nay!" sabi ko na lang at bumalik ako sa kama ko't umupo.

What's Nanay trying to say though? Did she assumed na hahalikan ko si Mia while tulog ito? Geez of course not. Chinicheck ko lang talaga kung humihinga siya just by looking straight at her face, iyon lang! Why would I even kiss her?! Damn.

"So, should you tell me something about you and Mia?" si Nanay all of a sudden at lumapit ito sa akin sabay abot ng apple na binalatan niya.

"Anong sasabihin ko?" I said acting clueless of what she's trying to imply kahit na may kaunting clue na ako.

"Sus! Kahit indenial ang Tatay mo sa mga nangyayari saiyo ay napapansin na namin no! Although it's pretty obvious and everyone's teasing you about it na ay mas okay pa rin sana na saiyo mismo galing ang totoo, diba? You like Mia, anak? Crush?" badtrip itong sinasabi ni Nanay!

Prince 1: Love Sick (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon