Episode 34: End
Ps: Please kalmahan niyo lang ang pag spoil sa twitter heheheh 🙏😅
--
Maaga kaming ginising nila Nanay at heto nasa sasakyan na nga kami at sobrang inaantok pa ako. Nasa isang family van kami dahil na rin sa hindi kami kakasya sa isang regular SUV.Katabi ko si Mia at heto siya excited na excited na kahit pinipilit ko siyang maidlip ay ayaw niya dahil sa gusto niyang pagmasdan ang bawat madadaanan namin. Ano ba naman, ang dilim pa nga eh, ayaw makinig! Hinayaan ko na nga lang at napaidlip na lang ako.
"Bebelabs, gising saglit! Picture daw muna tayo!" Pag alog sa akin ni Mia at talagang parang mahihilo pa ako kasi sa sobrang lakas at bilis.
"Mia, ano ba?!" singhal ko
"Kuya bebelabs! Bilis na diyan at magagalit na si nanay!" and It's Eero, sarap konyatan.
Kahit na sobrang pagod at talagang inaantok ako ay napadilat at napabangon na ako't lumabas ng sasakyan. Nasa isang over view kami at makikita ang isang malawak na dagat sa malayuan. Mag pipicture daw!
"Bebelabs, magsusunrise na kaya dapat makapag-papicture tayo!" si Mia at tuwang tuwa ang mukha niya.
"Oh, JM anak, ayusin mo na muna iyang sarili mo at kayo na susunod ni Mia!" sabi ni Nanay,
Sobrang lamig ng lugar kaya bumalik na muna ako sa sasakyan at may kukunin lang ako.
"Oh, suot mo!" sabi ko at bonnet ko ito, pinapasuot ko kay Mia dahil baka mahamugan ang isang 'to, mapurnada pa bakasyon namin.
"Ehhh, okay lang naman ako Bebelabs! Hindi ako nilalamig!" reklamo niya
"Suotin mo iyan kung ayaw mong itapon kita sa bangin! Tsaka, akala ko ba hindi ka magpapasaway? Nag promise ka babs, para sa'yo naman itong ginagawa ko!" sabi ko at napasimangot man siya'y wala siyang ibang nagawa kundi ang isuot ito.
Nakailang shots din kami ni Mia at medyo awkward lang kasi napagtitinginan kami.
"Oh, kargahin mo si Mia anak, para damang dama ang sunrise!" si Nanay at talaga namang minsan nakakabanas din ang pagiging shipper eh!
"Tita kayo naman po ni Tito!" si Mia at talagang ginawa din ng NayTay at photographer pa si Mia, iba din!
-
"Waaaa! Ang cute ng mga pictures natin! Gusto ko ipa-develope lahat tapos ilagay sa photo album!" si Mia at sayang saya nga siya sa kaka-scan ng pictures sa camera."Eh, ate Mia, may instagram naman po ah! Tagal na nun, dun mo na lang ipost! Iyon ang uso ngayon!" pag suggest ni Emeril
"Puwede ba iyon? Sige, gusto ko iyan, gawan niyo ako! Pati kuya niyo!"
"Bakit pati ako? Mag solo ka na lang!" reklamo ko, hindi ako mahilig mag social media, daming toxic dun!
"Ay, isahin niyo nalang para masaya! Teambebelabs!" si EL na natatawa at nakikisingit lang naman sa usapan
"Osige, ako na gagawa!" si Eero at talagang nagkakaisa sila sa kalokohan.
Hindi ko na pinansin at natulog na lang ulit ako.
"We're here!!" nagising ako sa paghinto ng sasakyan at ingay ng excitement na sinasabi ng bawat isa!
Bumaba na kami at talagang antok na antok pa ako, ano ba naman 'to! Naiwan pa talaga ako para kargahin ang mga gamit at si Mia, ayun tinangay na nila EL para pagmasdan ang resort.
"Oh ayan kompleto na tayo!" si Tito Nikko na sinundo kami sa may entrance, "Ang tagal niyo ah! Kanina pa kami dito!"
"Nag stop over lang saglit pero andito na kami!" si Nanay
BINABASA MO ANG
Prince 1: Love Sick (✔️)
Romansa"In sickness and in health, 'til death do us part..."