Episode 42: Blank
It was a very good morning waking up with her and hugging her so tight. Feeling really happy as she's here with me. Parang gusto ko nga lang rin matulog lang para lang mayakap siya eh, but of course! I can't dahil kailangan kong gumising ng maaga for school.
"Hoy babs, gising na!" si Mia at nakailang minuto na ako sa pag gising sa kanya, nakabihis na ako't lahat na. "Babs! Ano ba?!" pag gising ko ulit sa kanya.
"Hmmm," ani Mia na pinipilit ang sarili na gumising, "5 minutes pa bebelabs, please?"
"H'wag kana lang pumasok ngayon, bahala ka nga diyan!" sabi ko and I give up! Bahala na nga 'tong Mia na'to!
Just as I'm about to leave ay hinawakan niya naman ang kamay ko at muntik pa akong mahiga sa kama.
"Mia Dalene! Ano ba naman!" singhal ko, badtrip 'tong babaeng 'to talaga, "Anong oras na Mia, baka ma late tayo! Makakalbo talaga kita!" babala ko kasi kaurat na.
"Wait lang, eto na maliligo na!" sabi niya at antok na antok pa siyang bumangon.
"Sa baba lang ako, niready ko na ang uniform mo ha? Bilis na diyan para makapag breakfast na." sabi ko na lang bago tuluyang lumabas ng kuwarto ko at bumaba na.
Pagkarating ko sa dining hall ay busy na si Nanay sa kusina.
"Nay, good morning!" bati ko sa kanya sabay kiss ko sa kanyang pisngi.
Kahit pa gaano ka busy si Nanay sa hospital, hindi niya talaga nakakaligtaan na ipaghanda kami ng breakfast.
"Good morning anak, may gatas na diyan. Gawan mo na rin si Mia, okay? Where is she?"
"Nasa kuwarto pa at naliligo." sabi ko na lang sabay inom ng gatas na hinanda ni Nanay.
"Nay! Oh anak, andiyan ka pala!" si Tatay at halatadong nagmamadali, "Nay bakit naman hindi mo ako ginising ng maaga, late tuloy! Meeting iyon ah!" at talaga naman
"Hay tigilan mo nga ako! Alis kana, may nilagay na akong pagkain sa bag mo kaya be sure to eat that! Good luck sa meeting, Tay! Sana makuha niyo ang deal! I love you!"
Napaismid si Tatay, "Important deal pero heto ako late, nanay kasi!" humirit pa talaga si Tatay, "I need to go! I love you Nay, I love you nak!" and yet kahit may heated argument sila ni Nanay they still managed to end the conversation with a kiss. Parents ko talaga!
"Oh bakit nakatingin ka diyan nak? Ihanda mo na kaya lamesa at for sure, darating na ang mga kapatid mo! Tulungan mo na lang ako!" ani Nanay at tumango na lang ako to do what she said.
Maya-maya nga ay isa-isang bumaba na ang mga kapatid ko at pati si Mia na naka-uniform na pero heto hindi pa tuluyang nakapag suklay! Kulit lang.
"Nay, puwede ba kaming umattend ni Ee sa birthday party ng classmate namin? Sige na Nay, dinner time lang naman tapos uwian na agad! Please?" si Elliot and oh well...
"Ayan na naman tayo sa pa-birthday na ganyan EL! Ilang beses na akong nadali sa mga ganyan tapos napapahamak lang kayo ni Ee! Tigilan niyo nga ako!" and the usual Nanay
Ang ingay talaga minsan pero itong si Mia, enjoy na enjoy pa ata sa naririnig niya mula kay Nanay! Siraulo din talaga.
"Ang cute lang ni Tita Monique, ang taas ng naging litanya niya para kanila Eero pero ayun, pumayag pa rin! Ang cute lang!" she giggled. Nasa sasakyan na kami at ngayon ay papunta na ng school.
"Sus! Ganun naman ata talaga lahat ng mga Nanay!" sabi ko
"Ngek! Not for me, eh wala naman kaming ganung bonding ni Mommy eh!" she pouted and looked sad
BINABASA MO ANG
Prince 1: Love Sick (✔️)
Romansa"In sickness and in health, 'til death do us part..."