Episode 47

3.1K 317 132
                                    

Episode 47: Together

Gabi na nung dumating si JM sa bahay nila, kumalma naman na ako pero gayun pa man, hindi ko maiwasang hindi magtampo. Ang tagal niya!

"Kumain kana, babs?" tanong niya.

Nasa kuwarto na kami ngayon, alas nuwebe na rin kasi ng gabi at maaga na kaming nagsiakyatan ng kuwarto dahil na rin sa mag rereview pa daw sila EL for ranking exam, strict si Tita Monique tungkol dun.

"Oo, kanina pa." simpleng sabi ko.

Nasa studying desk ako ni JM at kakatapos ko lang mag sulat sa diary ko. Naiinis ako kay JM at parang 'di pa nakakaramdam na nagtatampo ako sa kanya. Ayaw ko rin naman magkusang magsabi dahil na rin sa baka sabihan na naman ako ng masasakit na kesyo ang oa ko edi 'wag na lang diba?

"Anong ginagawa mo diyan? Nagsusulat kana naman ba sa diary mo? Mamaya na iyan babs, tabi muna tayo! Namiss kita!" sabi niya.

Hindi ko lang napigilang mapairap sa kawalan dahil na rin sa narinig. Bushak! Miss niya mukha niya!

Gigil!

Paanong miss eh sa umalis siya ng alas otso ng umaga, walang text, walang call, tapos umuwi mag aalas nuwebe na! Tapos, miss niya ako? Aba.

"Talaga ba? Parang hindi naman," pa-side comment ko, syempre iyong mahina lang. Saktong tampo lang naman ito eh.

Pansin kong hindi na kumibo si JM at hindi ko na rin siya pinansin! Tse! Pero, ayun, 5 minutes later lang nilingon ko na naman siya at tulog na! Kainis ah! Hindi niya pansin na nagtatampo ako sa kanya kasi tinulugan pa ako oh. Edi wow!

Bahagya akong natawa. Pati ata itong inis na nararamdaman ko'y sinusulit ko nang dinadama na at baka mamiss ko rin eh! Hay!

Napabuntong hininga ako at napatabi na kay JM sa kama. Tulog na tulog siya't halatang pagod! Bakit naman? Nag-aral lang, pagod na agad? Sus.

Napayakap ako kay JM at ginising siya, "Bebelabs, gising na muna please? Bebelabs?!" at nilalakasan ko
na ang pag-alog sa kanya para magising talaga.

Hindi ko na rin talaga natiis.

"Hmmm..." tanging tugon niya at niyakap niya ako, "Tulog na babs, antok na antok na ako oh." anito at totoo naman, antok na antok na ang boses niya.

"Gising ka muna please, bebelabs? May sasabihin lang ako sa'yo!" pangungulit ko at wala akong pakialam kung mainis na siya, miss ko siya ngayong araw, sobrang miss.

Paano na lang kung may 5 days to live na lang ako kasama siya? Nakuhanan pa ng isang araw ganun? Kainis. Kahit na iwasan kong isipin eh pakiramdam kong may bumubulong sa akin, parang pa-countdown pa eh! Kainis!

"Ano ba kasi iyon, babs?" at naiirita na siya! Aba mas irita pa rin ako sa kanya!

Napanguso ako ng bahagya, "Nagtatampo ako sa'yo! Hindi mo na nga ako sinama, hindi mo pa ako tinext o call man lang! Tapos ngayon, tutulugan mo ako?!" sabi ko at nangigigil ako sa inaasta niya, nakapikit pa't bumalik ata sa pagtulog! "Bebelabs, naririnig mo ba ako?!"

Nakakapikon at naiiyak ako sa inaasta niya. Gigil ng isang childish lang 'to, malamang! Pero, hindi ko alam kung bakit naiinis ako. Nasasayangan kasi ang sa isang araw na iyon, hindi ko na maibabalik ang araw na iyon. Ganoong pakiramdam.

"Babs, please? Bukas mo na ako awayin! Sorry na, I purposely turned off my phone para makapag-focus ako sa ranking exam review! Ranking exam iyon babs, I need to rank! Please understand," at talagang pilit lang siyang nagsasalita't pagod talaga ang tonado.

Prince 1: Love Sick (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon