Episode 32: Fly
(Ps. Thank you sa nag suggest ng song! Hugot song ko ito while writing. hehe)Sumapit ang gabing iyon ay alam kong iilang minuto o oras na lang ang nalalabi at uuwi na si JM sa kanila. Sobrang nalulungkot na akong isipin pero wala akong magagawa talaga, kailangan eh.
"Bakit matamlay ka? Kakakain mo lang Mia, inaantok kana ata? Baboy ka talaga!" si JM at inaayos niya iyong gamit niya.
"Bebelabs, nagtext na ba si Tita Monique o 'di kaya si Tito? Anong oras ka daw nila susunduin? Alas syete na kaya mga ilang minuto na lang din, no?" tanong at pinipilit kong magpakasigla para hindi niya mahalatang ayaw ko na muna siya umalis pero, hindi nga kasi puwede!
"Papunta na sila," sabi niya, "Bakit?"
"H--Ha? Wala lang, nagtatanong lang!" sabi ko at napangiti lang ako
Kakausap pa lang namin ni JM ay agad ng may pumasok sa kuwarto at si Tita Monique ito. Hay! Agad agad naman.
"Dala mo iyong tinext ko Nay?" si JM
"Oo naman! Kamusta? Okay kana ba? Mukhang okay naman ang nurse mo't masigla kana ulit," si Tita na parang inaasar si JM
"Okay na ako! Kamusta nga pala sa school? Si Mam Sevilla, have you talked to her, Nay?"
"I did. She was furious at first pero naging okay rin naman siya kinalaunan. She wished you well!"
"Okay, good." si JM, "Si Tatay, Nay?"
Pansin ko rin na wala si tito.
Nasa bahay at natutulog. Gigisingin ko dapat pero ngayon na lang ulit iyon nakabuwelo sa tulog kaya hinayaan ko na lang! Andito na mga kailangan mo, I need to go anak, okay? Be sure to wake up early and do some catching-up with your lessons, okay?" Ha? Tama ba iyong narinig ko? "And Mia, h'wag kayong mag-puyat masyado ni JM ha?"
Napatingin ako kay JM at nginitian niya lang ako na nangaasar! Pero napangiti ako kay Tita Monique, "Opo! Wala pong problema!" sabi ko at nagpaalam na rin agad sa amin si Tita.
"Grabeh ka! Hindi mo sinabi sa akin na hindi ka pala uuwi!" napabusangot ako at mahinang hinampas ang braso ni JM. Bushak!
"Ang arte nito, ayaw mo?" sabi niya na parang nanunukso pa
"Gusto," sabi ko ng direkta at bahagyang natigilan siya, "Gustong-gusto!Yay! Thank you JM!" sabi ko at niyakap ko pa siya! Sumigla ulit ang pakiramdam ka.
"Asus! But still, this is only an extension Mia, panandalian! Bukas, babalik na ako sa amin!" sabi niya at napatango naman ako.
"Okay lang! At least ngayon, andito ka! Salamat naman!" sabi ko, "Manunuod ba tayo ng movie, bebelabs? Baka naman puwede, kahit isa lang?" pag suggest ko at pumayag naman siya kaya masaya akong isinet up ang laptop para sa movie viewing namin.
Buong araw mabait si JM at super duper minor lang ang pinag-aawayan namin na dalawa. Ang saya lang! Naisip ko, para naming sinecelebrate ni JM ang monthsary namin kahit na mukhang limot niya ata.
Napangiti ako.
Hindi bale na.
Sa gabi ngang iyon ay nanuod kami ng movie, anime movie titled "Your lie in April," mabilis lang natapos pero ang impact ng movie sa akin tagos sa puso.
"Puro talaga kalokohan mga kapatid ko sa mga movie na ganito! Ano ba naman iyan, matulog na tayo!" si JM at kahit siya mukhang apektado. Hay!
Niligpit ko na ang laptop at maghahanda nang matulog sa tabi ni JM. Yup, sa tabi dapat talaga.
BINABASA MO ANG
Prince 1: Love Sick (✔️)
Romantizm"In sickness and in health, 'til death do us part..."