Episode 49: Last Will
Nakakainis si JM."Magsalita ka kaya diyan? Babalikan ko na lang ang mga gamit mo bukas. Okay? Dapat lang kasi makasigurado tayo! There's too much emotions for tonight, I just want everything under control!"
Ayaw ko siyang pakinggan!
"Look how bratty you are acting now, Mia. H'wag ganyan, I'm just concerned."
Sino naman kasi ang hindi maiinis? Anong oras na oh? Heto kami ngayon ni JM at papunta sa hospital! Gusto ko sana bukas na lang kasi para naman may bonding moment man lang kami nang kuwarto ni JM, iyong malibot ko na muna ang bahay nila at makapaglaro na muna ng video games, diba? Linggo naman bukas eh! Kaso, ano?! Nag insists si JM na agad na kaming magpa-confine kasi baka sobrang maoverwhelemed ako at atakihin bigla.
Bushak talaga!
"Babs? Okay fine, I get it na naiinis ka kasi agad-agad but then, you can't stop me from feeling extra! We received a good news! It is something we all been praying for! Too much emotion is flowing and it's better than sorry later! It's freaking almost there! Baka maging bato pa!"
Bahala nga siya.
Hindi na ako umimik hanggang sa nakatulog na pala ako sa byahe at nang magising ako ay ginigising na ako ni JM, nasa parking lot na kami ng hospital.
Kainis! Hindi na talaga nadala sa drama ko na h'wag na muna mag pa confine eh! Basta talaga sa usaping pangkalusugan ko, kahit sarili ko hindi ko na masusunod. Alam ko naman na protective lang talaga sa akin si JM at sobrang thankful ako dun, minsan nga lang sa sobrang strikto niya, nakakapikon madalas.
"Babs tara!" sabi niya sabay lahad niya sa akin ng palad niya.
Ayaw ko sanang kunin ang kamay niya pero syempre, oa na iyon kaya inabot ko na rin pero wala pa rin talagang imik.
Masaya ako na may donor na ako pero mixed emotion nga lang, hindi pa nagsisink-in sa utak ko.
Bago sa akin ang pakiramdam na nasa hospjtal ako na may bitbit na bagong pag-asa ang hatid nito sa akin, iyon bang hindi bad news ang inaasam ko.
"Babs, sorry na? I just really wanna make things sure. I'm sorry," si JM nang nasa hallway na kami papunta sa kuwarto niya.
Bakante na iyong kuwarto ko dati pero imbes na kumuha ng bagong kuwarto ay nag suggest si JM na dun na lang sa kuwarto niya para makatipid sila Mommy sa akin at speaking of Mommy, na-email ko na rin ang sitwasyon ko ngayon, nag miscall na sa kanila at lahat, wala pa rin. Oh well.
"Pero bebelabs, kung may time pa naman na puwede akong makalabas before the operation, p'wede ba na mamasyal na muna tayo? Habang waiting pa? Gusto ko muna sulitin ang lahat bago iyon kasi alam kong matagal ang recovery nun,please?"
Nakita kong napatingin sa akin si JM at pakiramdam ko napipikon na siya sa inaasta ko, nagpipigil na lang talaga.
Eh kasi naman eh, alam niyo iyon? Ngayon na may donor na ako ay wala pa rin namang kasiguraduhan ang lahat. I mean, kung magiging compatible ba, kaya gusto ko muna sulitin ang lahat para no regrets! Diba?
Napabuntong hininga si JM, "Fine." anito na tila nawalan na rin talaga siya ng choice kundi ang sumangayon na lamang, "But whatever it is, pag bawal na, bawal na! Okay? Promise me, magiging obedient ka!"
Napanguso man ay tumango na rin ako, "O sige na nga!" sabi ko na lang dahil wala na rin akong choice kundi ang sumangayon.
"Mag aalas dose na pala." ani JM.
BINABASA MO ANG
Prince 1: Love Sick (✔️)
Romansa"In sickness and in health, 'til death do us part..."