Episode 31

2.9K 267 128
                                    

Episode 31: Promise
ps: ganda ng song hehe.


Wala namang sinabi sa akin si JM nung niyakap niya ako. Niyakap niya lang ako ng sobrang higpit at pinagbihis pa rin at ngayon nga ay naglalakad kami palabas ng hospital. Ang tahimik niya, parang wala sa sarili.

"Bebelabs, okay ka lang?" I asked kasi mukhang hindi siya okay at totoong nag-aalala na ako sa kanya, "May nangyari ba?"

Napatingin siya sa akin pero agad naman niyang iniwas ang paningin, "O--okay lang ako, mag breakfast na muna tayo." sabi niya at napatango na lang ako.

Alam kong may problema pero ayaw niya lang sabihin. Gusto ko magtanong pero hindi ko magawa kasi parang magagalit lang siya pag nagpumilit ako.

Napabuntong hininga na lang ako.

Pumunta kami sa isang fastfood chain at dito kami mag bebreakfast. Agad umupo si JM at sumunod lang ako sa kanya. Nang makaupo na rin ako ay napatingin sa akin si JM, "Umorder kana dun. Pumila ka muna," sabi niya pero malumanay lang naman

"Eh? P--Pero hindi ko alam kung paano JM, hindi pa ako nakaka-try," pag rason ko at totoo naman na hindi ko pa talaga natatry ang ganito. First time ko sa isang fastfood chain mismo.

He sighed at pakiramdam ko nairita ata siya't hindi niya ako mautusan kahit na sa ganitong bagay. Well, feeling ko lang naman.

"S--sorry JM. First time ko lang talaga," sabi ko at nahihiya ako.

"Nah, don't worry! Nakalimutan ko lang din. Tara, umorder na tayo!" sabi niya at iwas pa rin siyang tumingin sa akin.

Hindi ko mabasa ang reaksyon ni JM. Matamlay, na parang nanghihina, wala sa mood at ewan ko ba, iyon bang, para siyang malungkot, parang lang.

At ayun na nga, tinuruan ako ni JM umorder.

"Madali lang pala," ngising tugon ko.

"Ito na muna kainin natin for now, hanap na lang tayo ng restaurant for lunch mamaya, wala pang bukas na restaurant eh!" sabi niya.

Napangiti ako sa kanya, pilit pero okay na rin naman siguro, "S--sige ba! Walang problema!" sabi ko

Pero natahimik pa rin lang ulit kami and this is not usual. Madalas, nagkukuwentohan talaga kami kapag kumakain. I mean, ako lang pala makuwento at hindi siya pero iba pa rin ang aura! Hay! Naiilang lang din kasi ako magkuwento kasi, seryoso, wala talaga siya sa mood, dama ko.

Hindi ko alam pero naloloka ako sa kung ano ang nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung tama ba talagang magtanong ako? O h'wag na lang baka magalit siya? Ang hirap.

"Bakit ang tahimik mo? Ayaw mo ba ng pagkain?" tanong niya at siguro nagtataka na rin si JM sa katahimikang namumuo sa aming dalawa. Pero, hindi niya ba dama? Something's not right.

Eh kasi naman eh, hindi ko alam kung bakit pero sobra akong naiilang kay JM. Siya nga naman itong tahimik talaga sa amin pero sa inaasta niya parang wala akong karapatang magsalita. Ganun katindi!

Napabuntong hininga ako at itinigil muna ang pagkain. Hinarap siya at tiningnan siya sa mata, "S--Saan tayo pupunta?" mali pa nailabas kong tanong eh!

"Somewhere," sabi niya at yumuko ulit siya para kumain, "Kain kana para may laman ang tiyan mo," sabi niya

"Saan iyon?" tanong ko muli, gusto ko lang mag-
usap kami.

"Kahit saan mo gusto, tell me," sabi niya at kalmado naman siya.

Nakakaramdam na ako ng inis sa inaasta niya, sa totoo lang! Feeling ko may mali talaga pero heto siya ayaw niyang sabihin. Halos dalawang buwan ko na kasama si JM kaya kahit papaano, kilala ko na siya. Pranka at hindi siya nagpapanggap ng kanyang nararamdaman kaya ang  ganitong inaasta niya, fake para sa akin.

Prince 1: Love Sick (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon