Episode 30: Somewhere
Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti at maexcite ng husto. Naiisip ko pa lang ang sekreto namin ni Dylan ay sobrang naeexcite na ako. Aside sa makikita ko si JM na sumasayaw ay nangingibabaw rin sa akin ang saya na makakapunta ulit ako sa school nila JM, makakakilala ako ng panibagong mga tao, baka magkaroon ng bagong kaibigan at higit sa lahat ay makakaranas akong umattend ng isang college school event, acquaintance party na akala ko hindi ko mararanasan? Ni sa panaginip, hindi ko naisip. Diba?
Sobrang saya!
Hay! Sobrang bait mo sa akin, Lord. Maraming salamat sa lahat ng ito. Nagagawa mong posible ang mga inakala kong imposibleng mangyari! The best ka!
Amen.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hinalungkat ko agad ang damit na susuotin ko sa acquaintance. Sabi kasi ni Dylan, fairy theme ang event kaya naisipan kong isuot muli ang damit na binigay sa akin ni Tita Monique, iyong damit na ginamit niya nung mag propose si tito Elijha at ang mismong damit na ginamit ko nung naicelebrate ko ang birthday ko last month. Sabi sa akin ni Dylan, ibibili niya ako ng bago pero hindi na ako pumayag dahil sa sobra sobra ng good deed ang naibigay sa akin ni Dylan at ayaw ko pang gumastos siya sa magiging damit ko na hindi ko naman magagamit ulit. Isa pa, sobrang ganda nitong damit na ito, fairy na fairy.
"Good morning, Mia!" si Tita Monique pala at may dala siyang pagkain para sa akin, "Oh, bakit mo inilabas iyan?" tanong niya habang nakatingin sa dress.
Napangiti ako at napatingin kay Tita, "Aattend po ako ng acquaintance party nila, JM!" Masayang tugon ko, "Fairy kasi ang theme kaya naisipan kong ito po ang susuotin ko." dagdag ko
"Talaga?! Inimbita ka ba ni JM? Mabuti naman kung ganun at nang makaranas ka rin ng ganun na event tsaka mabuti naman at mas nagkakasundo kayo ni JM! I was pretty worried about you two while I'm away, alam mo naman iyong anak ko!" natawa ito
Napailing ako sa sinabi ni tita, "Ang totoo, si Dylan po ang nagimbita sa akin sa party. At tita, secret po namin ni Dylan iyon, gusto ko masurprise si JM at gusto ko makitang sumasayaw siya!" I giggled, "H'wag niyo po sabihin kay JM, tita ha?" dagdag ko at natatawa ako
Napangiti si Tita, "Naks naman! Mukhang maganda nga ang planong iyan! Don't worry Mia, JM won't know for sure!" tapos kunyareng sini-zipper pa ni Tita ang bibig niya, ang cute.
"Salamat po tita! Excited na po ako sa event!"
"I am too, for you. So, should I do your make-up? I know someone, who can!" masayang tugon ni Tita na ikinagulat ko
"M--Make up po?"
"Oo! Natural Mia! It's a party, mag-d-dress ka and so, you need to have your make-up done! Kaso, I, myself ay hindi rin magaling sa mga make-up-an na 'yan! But don't worry! May kakilala ako na for sure makakatulong sa atin! Tsaka, this is your first aquaintance party, para na rin itong prom ball kaya dapat maganda ka! Bawal mag pakabog Mia!" she said and?
"P--Po?!"
"Of course, maraming babae dun! JM is there, dapat hindi ka magpatalbog! Alam mo kasi, minsan sa buhay natin, dapat tayong mga babae ay kailangan matutong mambakod! What's our territory, should be only be our territory! Trust me Mia, sa mga event na mga ganyan, para iyang gyera! Dapat prepared na prepared ka! Learn from me!" She said
"S--sige po!" I responded and smiled kahit na wala naman akong maintindihan sa sinabi ni Tita Monique. Mambakod? Competition? Gyera? B-Bakit naman sobrang nakakatakot bigla? Pero, natutuwa ako, sobrang bait ni Tita Monique! Si Mommy kaya? Magiging ganito rin kaya siya ka maasikaso kung kasama ko siya ngayon? Well, I doubt at ayaw ko na rin isipin pa, malabo namang mangyari iyon.
BINABASA MO ANG
Prince 1: Love Sick (✔️)
Romance"In sickness and in health, 'til death do us part..."