Episode 17: Gift
"JM..."Pagsambit ko ng kanyang pangalan. Hindi ko alam kung anong kakalabasan nito pero desidido na ako sa desisyon ko na 'to. "Itigil na natin itong deal." direktang tugon ko at bahagyang napayukoq dahil alam kong magagalit siya.
"What?! What the heck are you saying?!" mahina ang naging tugon niya dahil na rin siguro nasa malapit lang si Eero at baka marinig kami.
"I mean, O--Okay lang sa akin talaga, hindi mo na kailangan gawin ito. Huwag na natin ituloy ang deal, kalimutan na natin ang tungkol dun. Seryoso ako JM, ayaw kong itali--"
"Can you just shut up?!" si JM at talagang alam kong nagpipigil siya. Sobrang sweet ng kantang tinutugtog ni Eero pero heto kami ni JM, nagtatalo. "You got to be kidding me, Mia! You're joking, right? We've both waited for this night to happen, tapos ganito?!"
Kinakabahan ako sa mga sinasabi ni JM lalo na at tumataas ang boses niya. Pakiramdam ko tuloy sobrang wrong timing ako. Kakasimula pa lang ng party pero sinisira ko na agad.
"JM, naisip ko kasi sobra talagang makasarili iyong deal na iyon at kahit hindi mo man sabihin, damang-dama ko na napipilitan ka lang. Nakikita ko iyon JM. Ayaw kong mahirapan ka sa kababawan na ito."
"Oh damn it! You are freaking frustrating! You're making fool out of me at god knows you're not funny at all Mia! Hindi kita maintindihan! Napag-usapan na natin ito, I made you understand everything already, tapos ganito? Binabasted mo ako? Really now, Mia!"
Damang-dama ko ang gigil ni JM at totoong nakakaramdam ako ng guilt. Wrong timing talaga! Mia Dalene! Lagot na!
"JM, kalma naman!" sabi ako at pabebe man na maituturing pero kasi gusto kong pakalmahin si JM, naiiyak ako na kinakabahan.
"I told you not to ever do this to me. You could have settle things straight with me dati pa at hindi na pinaabot sa ganito! Ginagawa mo akong tanga eh! Masaya ka ba ha?!" napahawi na siya ng kanyang buhok at naiiyak na ako
Should I say, joke na lang ang lahat?
"Listen to me JM..."
"Kuys, hinahanap na kayo nila Nanay, guests are waiting! Mamaya na kayo magmomol diyan! Naman eh!" si Eero at sana naman hindi niya napansin na nag-aaway kaming dalawa ng kuya niya. Nakakahiya pag nagkataon.
"Ikaw na pumunta sa party mo!" sabi ni JM nang makalayo si Eero at akmang aalis na siya't mag-wawalkout pero agad ko naman siyang napigilan. "What now? Do you expect me to participate? To act cool?" umismid siya
"JM, mag-uusap tayo mamaya! Please?" sabay higpit ng hawak ko sa braso niya, "Sorry na." I said at pabebeng panlalambing pa as possible, baka mag-work.
"JM, Mia... Is everything okay? Nag-aaway na naman ba kayong dalawa? JM?! Tantanan mo ako sa init ng ulo mo ha! Tonight is Mia's night! Don't event try to ruin this! Understand?!" at napagalitan pa ni Tita Monique si JM sa harapan ko na mas nakakawindang,
Lagot na talaga! As in.
Walang imik si JM na sumama sa amin at parang sasabog na ang dibdib ko sa pag-aalala. Paano ko maeenjoy 'to kung sobrang fail nang ginawa ko? Nakakainis lang. Mia!
Kasama si Tita Monique at JM ay pinuntahan namin ang mga bisita. Maliban kanila Lolodok ay wala na akong kilala pa. Ang daming tao.
"Oh JM, ito ba iyon?" sabi ng isang lalaki na kaibigan ata nila tita Monique.
"Si Mia," si tita Monique na tila sinalo lang si JM kasi hindi naman ito sumagot.
Lagot na talaga!
BINABASA MO ANG
Prince 1: Love Sick (✔️)
Romance"In sickness and in health, 'til death do us part..."