Episode 36: Memories
Mia's having her test today. Ang totoo hindi ako mapalagay at lumilipad ang utak ko ngayon at talagang hindi ko maiwasang mag-alala kahit na alam ko naman na andun si Nanay at kasama niya, hindi ko maiwasan.
"JM, pssst! JM!"
"Pre! Hoy pre!" nabalik ako sa uliran nang tinapik ni ako ni Dylan sa braso
"Bakit ba!? Hayup ka masakit iyon ah!" pasinghal na tugon ko
"Eh kasi naman! Ano? Kanina ka pa kinakausap ni Maui tungkol sa details ng school festival! Kailangan na natin ma finalize para maexecute na! Wala ka sa wisyo boy!" anito
I sighed, "Wala naman akong tutol sa proposed booth natin eh, Movie booth. Puwede na iyon," I said at napasandal ako sa aking upuan. Langya!
"Hay! Oh ayan na Mau, puwede mo na maspread to the world ang utos ng mahal na prinsipe!" natatawang tugon ni Dylan at hindi ko na lang ito masyadong pinansin.
I'm just really worried deep inside at hindi ko alam kung bakit. I mean, I know Mia is having her test at confident naman ako na magiging okay lang ang ang lahat pati na ang magiging result, it's just that, something's bothering me deep inside at hindi ko alam kung ano.
Nang umalis saglit si Maui ay bahagyang bumulong sa akin si Dylan, "Par, magiging okay si Mimi! Okay? Kinakabahan din ako pero alam ko naman na malakas iyon at kayang kaya niya iyon! Tsaka nga diba? Ayaw niyang samahan natin siya dahil andun naman Nanay mo? I'm sure, okay iyon! At, anong oras na, baka nga tapos na test ni Mia at nagpapahinga na lang siya ngayon eh! Kalma naman!" Napangiti si Dylan sa akin at umakbay pa, "Pagkatapos ng klase, dumiretso kana sa hospital para mapalagay kana! Mauna kana at susunod na lang ako para ikaw bida!" natawa siya
Napaismid na lang ako sa narinig, "Siraulo ka!" singhal ko.
It was a truly busy day with all these preparation going on at sadyang hindi ko lang dama kasi nga lumilipad ang utak ko sa kung saan. It keeps on bugging me kahit na sobrang busy na ng lahat, heto ako, walampake.
Napatingin ako sa cellphone ko at alas diyes na ng umaga at wala man lang update si Nanay o 'di kaya si Mia sa test. Mas kinakabahan tuloy ako. Buhay nga naman oh!
"JM!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin and it's Cheyen.
"Are you off to somewhere?" she asked and she asked it nicely kaya tumango lang din ako as an anwer.
"Meryenda?" she asked again, "If okay lang sa'yo, can I join you? Namimiss kita actually, a classroom is pretty much different without you in it. Since high school mag classmates tayo kaya naninibago ako, kung puwede lang naman." she seemed in a good mood to be nice today kaya tumango na lang din ako.
"Are you okay? Kanina ka pa wala sa sarili, I mean, you're usually silent pero may iba ata sa'yo today! Are you unwell? Sasamahan kita sa clinic if you want," she said
I shook my head, "A--ah okay lang ako, don't worry! Medyo napapagod lang ako sa preparation ng school festival, I'm hating the pressure!" I said and somehow, totoo din naman ang naging sagot ko.
I sighed
"Oh, cheer up for whatever it is that you're thinking! I can be bitchy at times, dominating at maldita but you always have this spot in me, JM. Kahit papaano kilala kita eversince at kahit na anong mangyari, even if you reject me a lot of times ay hindi mo naman maiaalis sa akin ang feelings ko for you. So kahit na tanggap ko naman kung ano lang tayo ay at least naman you can't lie to me. Something is up, right?"
BINABASA MO ANG
Prince 1: Love Sick (✔️)
Romansa"In sickness and in health, 'til death do us part..."