Episode 23

3.2K 255 154
                                    

Episode 23: Help

JM's POV.

Napabangon ako agad nang mapansin kong wala si Mia sa kuwarto ko. Napatingin ako sa orasan at alas nuwebe na pala.

"Oh anak, nag breakfast na ang lahat ngayon ka pa nagising!" si Nanay nang tsempong makasalubong ko siya sa hallways pagkalabas ko ng kuwarto ko.

"Nay? Where's Mia?" tanong ko

"Ha? Hindi ba siya nagpaalam sa'yo? She went back to the hospital---"

Tapos may narinig akong nagsisigawan sa kuwarto nila EL and from that, alam kong na kung saan hahanapin ang hinahanap ko.

"Nice try, Nay!" I said and playfully smirked.

"Si Mia talaga unang hahanapin? Kumain kana muna kaya?" she smiled pero iyong alam mong nangaasar! Hay!

I rolled my eyes. Sobrang hilig mang-asar eh.

Agad akong pumasok sa kuwarto ng mga kapatid ko at agad kong nakitang naglalaro sila ng video games, kumakain ng chichirya at talagang nagsasaya. Feeling close nitong mga kapatid ko kay Mia eh.

"Oh! JM! Gising kana pala! Kumain kana?" si Mia at talagang lumapit pa siya sa akin para salubungin sa may pintuan.

"I was just checking you out." sabi ko sa kanya, "Bakit naman hindi mo ako ginising? Akala ko tuloy kung ano na nangyari sa'yo!" I said pero mahina lang dahil baka marinig pa ng mga kapatid ko.

"Anong hindi? Ginising kaya kita! Pero ano? Tulog na tulog ka kaya hindi na ako nangulit pa. Pagkalabas ko ng kuwarto mo ay tsempo naman na maagang nagising sila Emith kaya after breakfast nag laro na kami. Kumain ka na ba? Kain ka na!"

"Ate Mia! Your turn!"

"Oh, sige na kumain kana dun! Maglalaro na muna kami." sabi niya at iniwan niya ako sa may entrance at naglaro na agad.

Damn this girl.

Oh well, napapunta na lang ako sa dining area at kumain ng umagahan. It really feels good to be back home. I feel at ease. Different feeling kahit na sabihin na halos buong buhay ko ay nasa hospital ako lagi. Oh well, nothing beats home.

"Oh anak, nasaan si Mia?"

"Nasaan pa? Nasa kuwarto nila El. Aliw na aliw sa games, parang bata." napaismid na lang ako

Natawa si Nanay, "You remind me so much of your Tatay. Ang tatay mo na hindi mapakali kagabi at parang nagiinarte kasi hirap pa rin siyang tanggapin na may jowa na ang mini-me niya!" si Nanay at takte ano na naman ang inaarte ng Tatay ko

"Geez. Tatay needs to chill seriously! Ano ba naman kasing iniisip niya?!" napaismid ako, tatay talaga.

"Alam mo nak, dati hindi ko gets iyong mga parents na nagiging senti kapag nagka-love life na ang mga anak nila. Noon, ilang beses ako kinausap ni Daddy kung sigurado ba talaga ako sa pag sagot ko kay King. Walang araw na hindi niya ako tinetext kung kamusta ako lalo na kapag kasama ko si King at talagang kinukulit niya ako kapag madalas akong nakikitulog sa kanila." natawa si Nanay

"So you used to sleep in tatay's house?"

"Oo. Since senior high. Pero excuse me nak, may basbas naman kami ni Nana at, aside from sleeping, wala naman kaming ginagawa maliban pa dun." Natawa si Nanay, "Nung college lang." natawa siya, Nanay's really creepy most of the time. Grabeh 'to.

"Ewan ko sa'yo Nay!" I commented

"Pero iyong Tatay mo, feeling ko kulang na lang makitulog din siya sainyo kagabi eh! He's happy about you and Mia pero of course, hindi mo siya mapipigilan na mag-inarte. Feeling quite old already, our baby JM is old enough to have his own girlfriend." at talagang niyayakap ako ni Nanay na may halong gigil.

Prince 1: Love Sick (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon