010

104 3 0
                                    

3 R D

"Hyung, condolence." Sabi ni Seungkwan na kararating lamang sa burol ng isang taong napakahalaga kay Wonwoo.

"Condolence." Tipid na sabi naman ng kaibigan nitong si Jihoon. Lahat ng myembro ng Seventeen ay nasa burol, pero walang pinahintulutang media na pumasok. Ang alam ng lahat ay isang relative lamang ni Wonwoo ang namatay.

"Hyung, ngumiti ka na. Ayaw niya ng ganiyan." Ani ng katabi niyang si Mingyu. Ito ang pinakamalapit sa kaniya, buhat kasi pagkabata ay kasama na niya ang lalaki. Malapit nga rin ito sa taong pinaglalamayan nila ngayon, kaya hindi na rin niya mapigilang masaktan sa nangyari. This was one of those hard times that the group had encountered, but probably, this is the most heartbreaking for Jeon Wonwoo.

"Daddy, smile ka na."

Lalo siyang nasaktan nang makita ang anak niya na nakangiti sa kaniya. Para bang walang nangyari.

Paano nga ba ako ngingiti?

"Sorry. . " Sabi ni Wonwoo sa mga taong nakapalibot sa kaniya. Ramdam ng lahat ang lungkot niya. Ramdam ng lahat ang sakit na dala-dala niya. Ramdam ng lahat ang pagsisisi niya. Regret

Hindi na nakaya ni Seungkwan kaya umiyak siya. Niyakap naman siya ng katabi nitong si Seokmin.

"Tama na, Seungkwan."

"Bakit kailangang siya pa?" Tanong na naman ni Wonwoo. Walang sumagot, dahil wala din namang maisasagot ang mga kasama niya.

Maraming tao sa kwartong iyon, ngunit lahat sila ay abala sa pakikiramay, samantalang ang mga myembro ng Seventeen ay nananatili sa tabi ni Wonwoo.

"Daddy, wag ikaw iyak." Sabi ng anak niyang si Jiwoo, habang inilalapat sa pisngi ng ama ang kaniyang kamay. Pinupunasan ng bata ang luha ng kaniyang ama, na wala na yatang tigil sa pag-agos.

"Si Jihyeon.."

"Jihyeon.."

"Hyung, wala na siya. Tama na."

left behind • wonwoo Où les histoires vivent. Découvrez maintenant