Two months later. . .
J E O N。
"Hyung, hanapin mo sila please." Pagmamakaawa ko kay Seungcheol hyung na ngayon ay diretso lang na nakatingin sa akin.
"Kasalanan mo 'yan, Wonwoo. Ayusin mo." He said then left me. After the leaked news about me and Mina, they disappeared. Even her account, even the twins.
I miss them so much.
Nangako pa naman ako kay Jihyeon na aalagaan ko sila nang mabuti pero ano na, Wonwoo? Putangina ka kasi.
Maging sila Seungcheol at Chaejin at nagalit sa akin. Dalawang buwan na rin nila akong hindi kinakausap ng maayos. Lahat yata ng paraan ay ginawa ko na. Sinubukan kong um-absent sa isang concert para lang magpaiwan sa Japan at hanapin sila.
Pero wala.
Muli kong binuksan ang maleta ni Sehyeon na iniwan niya sa hotel noong gabing yon. Hindi siya bumalik, kasama na ang kambal. She only have her phone and wallet with her that time.
Nasaan na kaya sila?
Malamang, galit sila sa akin dahil doon. Hindi ko na sila nakausap pa. Gago ako, pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataong magpaliwanag sa kanila.
Nakita ko sa maleta niya ang isang pamilyar na jotter pad. Nang buklatin ko ang unang pahina, nanghina ako sa nakita ko.
Kwon Ji Hyeon
Pathology DepartmentBakit nasa kaniya 'to?
01
This supposed to be a jotter pad itself but it turned out to be a journal. Hindi ko alam, basta susulatan ko 'to pag naaalala ko si Wonwoo. Nakakamiss na siya, kamusta na kaya siya?
02
Hindi ko naman talaga gusto umalis sa tabi niya eh. Pero sinira ko. Sinira ko ang pangako ko sa nanay niya. He should debut in his rapping career. Dapat matupad lahat ng plano niya, kahit di na ako kabilang sa mga 'yon.
109
I met him again. Hindi nga lang personal, kundi dahil nakita ko siya sa internet. Napakalaki ng pagbabago sa kaniya, pero hindi kasama sa pagbabagong yon ang pagmamahal ko. Ganon pa din, Wonu.
Ikaw pa din.
115
Huling pahina na pala 'to pero hindi pa rin ako nakakahingi ng pasensya sa'yo. Nga pala, nakakita ako ng isang ad kanina habang nag-aapply ako sa isang hospital sa Seoul. Naghahanap sila ng donor para sa isang anak ng CEO, si Shin Sehyeon.
Kilala ko siya dahil masyadong naging matunog sa business industry ang pangalan ng ama niya, pero hindi ganoon kaganda ang nangyari sa kaniya. Sobrang lala, kaunti na nga lang ay baka daw bumigay ang katawan niya. Hindi ko sinabi sa kahit sino ang ginawa kong application para doon.
Pero sana, mabuhay siya. Sana, maging masaya siya.
Putangina, Jeon Wonwoo.
Ang laking gago mo nga.
VOUS LISEZ
left behind • wonwoo
Short Story❝how's life after you broke me and left me fragile?❞ left behind ↷ j.ww ❀shuaniverse ; 2018